Miyerkules, Agosto 22, 2012

Ang Lalaki sa Banga


Isang umaga habang naglalakad pauwi mula sa palengke, napadaan si Andie sa isang garage sale. Marami ang nakatinda sa garage sale tulad ng mga damit, sapatos, laruan, mga pandekorasyon sa bahay, atbp. Sa Kabila ng iba’t ibang paninda sa garage sale, nahagip ng kanyang mga mata ang isang luma at kulay kahel na banga. Walang pag-aalinlangan ay napagdesisyunan niya itong bilhin. Lumapit siya sa garage sale at tumawag sa nagtitinda sa garage sale.
“Tao po!Tao po!” Agad namang lumabas ang isang matandang marahil ang edad ay nasa 70-75 na.
“Ano ang kailangan mo, Iha?”tanong ng matanda.
“Gusto ko po sanang itanong kung magkano po sa bangang iyon?”, sabay turo sa banga.
“Dalawang daan lamang iha. Gusto mo bang bilhin?”
Tila may kakaibang nakita si Andie sa mata ng matanda na sinasabing “Bilhin mo na!”
“Ah Opo!Heto po ang dalawangdaan.”
Tumawag na ng tricycle si Andie at ipinasakay ang binili niyang banga. Pagdating sa kanyang bahay ay ipinabuhat na lamang niya ang nabiling banga sa tricycle drayber at ipinalagay ito sa sala sa tabi ng kanyang telebisyon. Binigyan na lamang niya ng bente pesos ang drayber.
Walang kasama sa bahay si Andie. Ulila na siyang lubos. Wala siyang kapatid.Nagkaroon naman ng kakaibang sakit at namatay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya. Isang malayong kamag-anak ang nag-alaga sa kanya pero makalipas ang ilang taon ay nakapagasawa ito ng isang Amerikano at napagdesisyunan na sa Amerika na manirahan at dahil doon ay naiwan siyang mag-isa. 
Kinagabihan, nanaginip si Andie ng isang kaharian ng mga engkanto at may nakakulong na isang lalaki at pinapalibutan siya ng mga ito. Nang magising si Andie kinabukasan ay hindi na niya inintindi ang panaginip niya.
Sunod-Sunod na gabi ay paulit-ulit lamang ang napapanaginipan niya. Umiikot lamang ang mga panaginip niya sa mga engkanto at isang lalaking tila tinatawag ang pangalan niya at humihingi ng tulong.
“Andie! Tulong! Andie! Tulong!”*Boogsh* Nagising siya dahil nahulog na pala siya sa kama.
Hindi iniintindi ni Andie ang mga panaginip niya dahil para sa kanya panaginip lamang iyon at hindi naman totoo. Ilang gabi pa ang lumipas at napapanaginipan niya pa din ang isang lalaking nakakulong at napapaliran ng mga engkanto na tila tinatawag siya at humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang panaginip nya, parang may mensaheng gustong iparating sa kanya.
Kinabukasan, habang naglilinis ng bahay si Andie, napansin niya na maalikabok na ang banga. Naisip niyang linisin ito.Kumuha siya ng basang basahan at pinunasan ang banga. Habang pinupunasan niya ang banga ay may narinig siyang boses na nagmumula sa banga, isang lalaking humihingi ng tulong. Kinilabutan siya dahil sa takot. Sinilip niya ang banga pero wala naman siyang nakita kundi mga agiw.Medyo natakot at nagtaka siya. Hindi na niya tinapos ang pagpupunas sa banga. Naisip niya na baka dahil sa pagod lamang iyon at kailangan lamang niya ng pahinga. Habang nakaupo ay di niya maiwasan ang mag-isip. Bigla niyang naalala ang mga panaginip niya at ang boses na nagmumula sa banga. Naalala niya na nagsimula lang ang mga panaginip niya nang araw na bilhin niya ang banga. Ang daming tanong ang nasa isip niya at alam niyang isa lang ang makakasagot sa mga katanungan niya, ang matandang binilhan niya ng banga. Agad siyang naligo at nagbihis at nagtungo sa binilhan niya ng banga. 
“Tao po!”Agad naming lumabas ang matanda. Napansin niya na wala na ang garage sale.
“Anong kailangan mo, iha?” tanong ng matanda
“Maari po ba akong pumasok?” Pinapasok naman siya ng matanda
“Matanong ko ulit, anong maipaglilingkod ko sa iyo?”
“Napansin ko po na may kakaiba sa banga. Simula nung binili ko iyon sa inyo ay may kakaiba akong napapanaginipan at may naririnig din po akong boses na nagmumula roon.”
“Talagang may kakaiba sa bangang iyon kaya ko ibinenta. Nagtaka nga ako ng bilihin mo ang banga gayong luma na ito at di naman kagandahan.”
“Ano pong ibig ninyong sabihin?”
“Usap-usapan sa aming baryo noon na may dalawang magkababata, isang babae at isang lalaki. Paggawa ng banga, paso at iba pang produktong yari sa seramiks ang negosyo ng batang babae. Mahilig silang maglaro sa likod bahay nila. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may isang batang engkanto ang may gusto sa batang lalaki. Habang dumadaan ang mga araw ay lalo pa itong natuwa sa batang lalaki at tuluyan ng nagkagusto dito. Masayahin daw kasi ang batang lalaki at ubod ng bait kaya hindi rin masisisi ang batang engkanto kung magustuhan man niya ang batang lalaki. 
Kaarawan ng batang lalaki noon nang bigyan siya ng banga ng batang babae bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan at regalo na rin. Sinisimbolo nito ang kanilang pagkakaibigan na dapat pakainagatan dahil kapag nasaira ito ay mahirap ng buuin. Gustung- gusto ng batang engkanto na maging kaibigan ang batang lalaki pero tingin niya ay hindi na ito mangyayari dahil may iba na itong kaibigan at pakiramdam niya ay hadlang ang batang babae sa pakikipagkaibigan niya sa batang lalaki. Dumaan pa ang mga araw at nagalit siya sa pagiging malapit ng dalawang magkaibigan. Pinarusahan niya ang batang babae,” paliwanag ng matanda.
“Ano pong parusa?”,tanong ni Andie
“Binigyan niya ng kakaibang sakit ang magulang ng batang babae,” sagot ng matanda
Naramdaman ni Andie ang mga luha sa kanyang mga mata na malapit ng bumagsak.
“Pagkatapos ay bigla na lamang nawala ang batang lalaki. Walang makapagsabi kung saan ito napunta. Matagal na hinanap ang batang lalaki ng kanyang mga magulang hanggang sa nawalan na ang mga ito ng pag-asa. Napagpasyahan nila na umalis na sa baying iyon at ibinenta ang kanilang bahay at sakto naman na ako ang nakabili. Naiwan nila ang banga kaya iyon napunta sa akin,” pagpapatuloy ng kwento ng matanda.
Tuluyan nan gang tumulo ang mga luha ni Andie mula sa kanyang mga mata.
“Naalala ko na po! Ako ang batang babaeng tinutukoy ninyo at ang batang lalaki naman ay ang aking kababatang si Jhean,” pagkukwento ni Andie.
“Paano mo nasabi?” pagtatanong ng matanda
“Ganyan na ganyan po ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Pinilit ipalimot ng mga tao sa paligid ko ang mga nangyari para hindi na ako masaktan, tutal bata pa ako noon. Kaya naman pala tila may tumatawag ng pangalan ko mula sa banga ay dahil sa iyon ang aking kababatang si Jhean,” pagpapaliwanag naman ni Andie.
“Sa palagay ko ay kailangan mo ng kumilos. Kailangan niya ng tulong. Nakapasok na ako doon sa mundo ng mga engkanto ng isang beses. Sinubukan kong iligtas ang lalaki pero nabigo ako. Sa tingin ko ay ikaw ang makakapagligtas sa kanya.”
“Pero paano?”
“Sa pagkakatanda ko, ang sinabi sa akin ng boses na naririnig ko sa banga ay “ARAMSAMSAM ARAMSAMSAM GULI GULI”, sabihin mo lang ang mga salitang iyan sa harap ng banga ay tiyak na makakapasok ka.”
“Pero paano po ako makakalabas?”, tanong ni Andie
“Ipikit mo lang ang mga mata mo at sabihin mo ulit ang mahiwagang salita,” mabilis na sagot ng matanda
Agad naming nagpaalam si Andie sa matanda at tuluyan ng umalis doon. Napagdesisyon siya na iligtas ang lalaking nakakulong doon sa loob ng banga na si Jhean.
“Hindi ako papayag na pabayaan na lang siyang nakakulong doon. Kailangan ko siyang mailigtas,” bulong niya sa sarili
Nagbaon siya ng mga armas na magagamit niya sa pakikibaglaban sa mga masasamang engkantong maaari niyang makatunggali sa kanyang daan para iligtas si Jhean.
Pumunta na siya sa harap ng banga.
“Heto na. Lakasan mo ang loob mo Andie, para ito kay Jhean,” bulong niya sa kaniyang sarili.
Sinabi na niya ang mahiwagang salita para makapasok sa mundo ng mga engkanto sa loob ng banga.
“Andito na rin ako!”, masigla niyang sabi
Tumingin siya sa kaniyang paligid upang tingnan kung may paparating bang kalaban.
“Kailangan ko na agad makapunta sa kulungan ni Jhean bago pa may makakita sa akin.”
Tumakbo si Andie nang tahimik. Nag-iingat siya na mahuli ng mga masasamang engkanto.
“Saan ka pupunta?” May nakakatakot na boses na umalingawngaw.
“Sino ka? Asaan ka?!” matapang na sagot ni Andie habang hawak ang kaniyang armas.
“Andito ako sa taas mo!”
Tumalon ang nakakatakot na engkanto mula sa itaas ni Andie. Sinugod agad si Andie ng engkantong ito.Hinablot ni Andie ang kaniyang espada at agad niyang ito naisaksak sa tiyan ng engkanto.
“Sisiw ka lang pala eh,”mayabang na sabi ni Andie habang papalayo sa duguang engkanto.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya sa kulungan na kinaroroonan ni Jhean.
“Jhean! Jhean gising!” marahang sabi ni Andie sa natutulog na Jhean.
“….Andie??? Anong ginagawa mo dito baka makita ka nila! Umalis ka na ngayon na!” pagtataboy ni Jhean sa kanya
“Jhean itatakas kita dito katulad ng naipangako sa sa ‘yo dati. Walang iwanan. Saan ba tinatago ng engkantada ang susi nito?”
“Doon.Sa may kwarto niya.Pero, Andie ‘wag mo na ituloy yan mapapahamak ka pa.”
“Kaya ko ‘to. Hintayin mo ko diyan kukunin ko ‘yung susi.”
Dahan dahang pumasok si Andie sa kwarto ng engkantada. Andoon siya.Natutulog.
“Saan kaya niya tinago ang susi?” Hinahalughog ni Andie ang kwarto ng tahimik.
“Bingo! Andito lang pala sa ilalim ng higaan niya. Kailangan ko ng bilis—“
“At saan ka pupunta?”, may narinig siyang boses na nagpanginig sa kanya
Nagising ang engkantada.Agad tumakbo si Andie palabas ng kwarto para pakawalan si Jhean.
“Heto ang susi, Jhean! Abutin mo ang kandado at lalabanan ko lang ang engkantada, nagising siya!” Iniabot ni Andie ang susi kay Jhean sabay nilabas ang kanyang mga armas.
“Taga-lupa… Ang lakas din ng loob mong pumunta dito ano? Sige, papayagan ko kayong makawala ng lalaking taga-lupa. ‘ Yun ay kung makakalabas pa kayong buhay. Hahahahahahah!” galit na sigaw ng engkantada sabay sugod kay Andie.
Naglaban ang dalawa. Gumamit ng kapangyarihan ang engkantada ngunit may baon si Andie na panangga. Tuluy-tuloy ang paglalaban nila.
“Aray!”Natumba si Andie.
Natamaan siya ng kapangyarihan ng engkantada.Sinakal siya ng engkantada at nagwikang, “Salamat sa pakikipaglaban taga-lupa. Nalibang ako. Hahahaha! Katapusan mo na!”
Laking gulat ni Andie, na inaakala’y katapusan na niya  nang biglang napahiga ang kalaban niya.
“Jhean?”, gulat na sabi ni Andie
“Hindi kita pababayaang mamatay Andie.”,nakangiting sinabi ni Jhean
Sinaksakni Jhean ang engkantada at sinabi ang mahiwagang salita at tuluyan na silang nakalabas ng banga.
“Tapos na! Tapos na ang laban!” Sa sobrang tuwa ni Jhean ay napayakap siya kay Andie at niyakap naman siya pabalik ni Andie
“Ligtas ka na!” masiglang sigaw ni Andie at biglang kumalas sa yakap si Jhean
“Teka! Kailangan nating mabasag ang banga para matapos na ang kasamaan,” wika ni Jhean at agad na pumunta sa labas at kumuha ng malaking bato at ibinato sa banga at tuluyan na itong nabasag.
Matapos ang madugong pakikipaglaban sa mga engkanto ay namuhay ng tahimik si Andie at Jhean na magkasama. Hindi na sila ginulo pang muli ng mga engkanto at umaasa sila na tuluyan na silang maging masaya. Nahanap na ni Jhean ang pamilya niya at makalipas ang ilang taon ay nagpakasal sila ni Andie at namuhay bilang pamilya kasama ang mga anak nila.

Ang Pagtakas



"Nasaan ako ? Bakit ang dilim?" tanong ko sa aking sarili nang mamulatan ko ang kadiliman. Unti-unting nasanay ang mata ko. Isang maliit at mabahong lugar ang bumulaga sa akin. May malalaking wooden boxes na nakapatong sa isa't isa ang nakapalibot sa akin. Bigla akong nakadama ng claustrophobia. Lumingon ako upang makita ang nasa likod ko pero nakaramdam ako ng matinding sakit sa noo ko. Kaga't labi akong hindi gumalaw, hinihintay na gumaan ang sakit. Nang medyo gumaan ang pakiramdam ko, sinubukan ko itong damhin pero merong mahigpit na kadenangg nakapulupot sa braso at hita ko. Nakagapos ako! Bakit? Bakit ako-
Biglang naliwanagan ang isipan ko. Ang mga pangyayari ay parang isang alon na rumaragasa sa akin. Hindi ko na pigilan ang pagbagsak  ng mga luha.
Bakit hindi ako nakinig? Bakit?
Pahikbi kong inalala ang mga pangyayari.
"Hindi pwede Faye!" sigaw ni Mama sa akin nang nagpumilit akong sumama sa birthday party ni Rachel, best friend ko. Gaganapin ito sa isang bar sa Ortigas.
"Bakit n’yo po ba ako sinasakal mama! Malaki na ako!"
"Hanggang nakatira ka pa rin sa pamamahay ko, ako pa rin ang masusunod at hindi ikaw!"
Padabog akong umakyat sa kwarto ko at ini-lock ang pinto. Umiiyak ako maghapon. Nang kinagabihan ay tumawag sa akin si Rachel.
"Hello?! tanong ko.
"Oh Faye! Asan ka na ? Hinihintay ka na namin dito!"
Huminga ako ng malalim at ngumiti," On the way na ako"
"Ok, sige. Dalian mo lang ah."
"Oo, Bye na!"
Kinuha ko ang nakahanda kong damit at sapatos; pinusod ko ang na kulot kong buhok at binuksan ko ang bintana. Hawak hawak ang 5-inches na stilleto sa isang kamay, dahan-dahan akong bumaba at tumakbo patungo sa gate. Maingat ko itong binuksan at isinara. Success!
Sa party ni Rachel ay nagpakasaya ako. Uminom, sumayaw at nakipag-mingle sa mga bisita. Hindi ko namalayan, ala-una na pala ng umaga.
Naku! Kailangan ko nang umalis.
 Nagpaalam na ako kay Rachel at lumabas. Malamig ang simoy ng hangin. Walang kahit anong sasakyan sa paligid kaya nagdesisyon akong lumakad na lang. Upang hindi mamukhaan ay dumaan ako sa madilim na kalye, isang desisyon na pinagsisisihan kong ginawa. Noong una tahimik at payapa ang lahat. Ngunit ang malakas na pagbagsak ng lata ang humiwa sa katahimikan. Mabilis akong lumingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad, Naramdaman ko na parang may nakatingin sa akin. Unti-unting gumapang ang takot sa aking puso. Nagsimula akong maglakad nang mabilis hanggang sa hindi ko namalayang tumatakbo na ako. Nakarinig ako ng mga mabibigat na yabag sa likuran ko.
“Takbo ! Takbo pa!” sigaw ng utak kong nagwawala na sa takot. Ngunit hindi ko alam kung sa panic ba o sa kalasingan ay hindi ko nakita ang nakausling bato sa daan. Nadapa ako at tumama marahil ang ulo ko sa semento kung kaya’t may sugat ako sa noo. Naaninag ko na lang ang dalawang aninong pumalibot sa akin. Doon na tuluyang nawala ang aking ulirat. Ngayon ay nandito ako sa isang parang maliit na warehouse.
Nagsisisi ako, nangungulila. Gusto kong maramdaman ang mahigpit na yakap ni Mama, ang mainit niyang halik, Ngunit hindi na maaari. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
Biglang bumukas ang malaking pinto sa harapan ko. Saglit na binulag ang paningin ko ng ilaw. Sumara naman ito agad. Dalawang matangkad at nakatatakot na lalaki ang pumasok kaya napilitan akong magtulug-tulugan.
“Pare, mukhang nakabingo tayo dito ah!
“Oo nga eh. Akalain mo nga namang makuha natin ang anak ni Mrs. Marzan, may-ari at CEO ng pinakamalaking minahan ng ginto sa buong Pilipinas! Para tayong nanalo sa Lotto! sagot naman ng isang lalaki.
Bumagsak ang puso ko sa pagbanggit ng pangalan ni Mama.
 Kamusta na kaya siya? Nag-aalala ba siya sa akin? Pinigil ko ang aking pag-iyak. ‘Wag muna Faye, wag muna.
Lumapit ang dalawa sa akin at naramdaman ko ang pawis at malagkit na kamay ng isa sa mga masamang lalaki sa hita ko. Mariin kong kinagat ang labi ko para hindi mapasigaw.
“Hoy pare, anong ginagawa mo riyan!” sabay hablot sa kamay ng kasamahan niya. “Kidnapper tayo ! Hindi RAPIST!” 
“Pero pare, Hindi mo naman ako masisisi. Tingnan mo naman siya mukhang masarap!”
”Manyakis ka talaga!” tugon ng isa.
Umalis ang  mga lalaki pagkatapos,  nagtatawanan.
Nakadama ako ng matinding takot. Ano ang gagawin nila sa akin pagkatapos ibigay ni Mama ang ransom money?
Nahagip ng mata ko ang isang maliit na pako sa may harapan ko. Inurong ko ang upuan ko paharap. Umuga ito at bumagsak ako paharap. Hinintay kong mawala ang pagkahilo ko at nagpatuloy sa pagkuha ng pako, na ngayo’y nasa likod ko na.
Naramdaman ko ang maliit na bakal sa kamay ko. Ngumiti ako, pero saglit lang ay dali-dali kong pinasok yung pako sa lock ng kadena. Kumalas!
Dahan-dahan kong tinangal ang mga kadena, para hindi mag-ingay. Itinayo ko ang aking sarili at tinanggal ang mga kadena sa paa ko. Sa wakas!
Mabilis  akong nagtago sa likod ng mga kahon, sinigurong walang nakarinig sa akin. Tahimik akong nakinig ng ilang minuto.  Tumingin ako sa harap. Isang mataas na chained fence ang naroon at, hindi ko alam kung himala o swerte dahil nakabukas ito. Sa sobrang tuwa sa posibilidad na makatakas ay nagtatatakbo ako papunta sa gate.
Ngunit may putok ng baril ang sumira sa nakakabinging katahimikan.
 “Hoy boy ! Nakatakas na yung ticket meal natin.” narinig kong sabi ng isa. Nakadama ako ng matinding sakit sa may balikat ko pero hindi ko iyon ininda. Dinalian ko ang pagtakbo.
Malapit na! Malapit ko ng mahawakan ang fence!
May nagpaputok na naman at natamaan ang binti ko. Bumagsak ako sa lupa. “Hindi pwede to!” ang malakas namang pagsusumamo ko.
Sinubukan kong gumapang. Malapit na!
Dahan-dahang bumigay ang katawan ko sa pinagsasamang takot, adrenalin at sakit. Mariin kong dinama ang nananakit na balikat.May dugo!
Biglang umikot ang aking paningin. Nagdilim ang paligid. Para akong lumulutang. Nawala ang mga sakit at takot. Ngumiti ako …
Hmmm , Ang init! Dahan-dahan akong pumikit, sumuko sa sigaw ng puso’t isipan ko.
Magpahinga ka na…. Wala nang makasasakit sa iyo. 

Tawag ng Kaibigan


Isang maulang hapon, nag-aayos ng gamit si Missy dahil kalilipat pa lamang niya sa kanyang bahay sa Baguio. Hapon pa lamang noon, ngunit sobrang dilim na ang kapaligiran dahil sa malakas na ulan.
Luma na ang kanyang bahay dahil ito ay pamana sa kanya ng kanyang lolo. Ngunit tinanggap pa rin niya ito dahil alam niyang pwede pa  niya ipaayos ito upang maging maganda ulit.
Katatapos niya lang mag-ayos ng gamit nang tumunog ang kanyang cellphone. Tiningnan niya kung sino amg tumatawag. Si Lyka pala ito. Ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay palabiro ngunit matalino. Agad niya itong sinagot ngunit wala naming nagsasalita kaya binaba niya ito dahil akala niya walang signal. Tumunog ulit ang kanyang cellphone at sinagot niya ito. Noong una ay walang nagsasalita. Noong balak na niya ibaba, biglang may nagsalita,”Tulungan mo ako!!!”
May sinasabi pa siya ngunit hindi niya ito maintindihan dahil putol putol ang linya. Ibinaba niya ito. Sinubukan niyang tawagan ngunit walang sumasagot. Lumabas siya sa kanyang bahay dahil mahina ang signal sa loob ng kanyang bahay.
Nagsimula na siyang mag-alala. Makalipas ang dalawang minuto ay tumawag ulit ito.
“Nandito ako sa likod ng bahay niyo. Tulungan mo ako!!!”
Binabaan niya ang kaibigan at nagmamadaling pumunta sa likod ng kanyang bahay. Napakadilim doon. Hinanap niya si Lyka ngunit hindi niya ito makita. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi ito sumasagot. Naglakad- lakad siya at sinubukang hanapin ang kaibigan. May nakita siyang nag-iinuman. Kinausap siya ng isa rito.
“Ano ang hinahanap mo?” Hindi niya ito pinansin. Hinila siya nito sa braso. Hindi siya makapalag. Dinala siya ng mga ito sa isang silid na napakadilim. Itinali siya ng mga ito sa kama at ginahasa. Sumigaw siya at humingi ng tulong kahit alam niyang walang makaririnig sa kanya. Pinatay siya ng mga ito.
Pagkatapos ng ilang araw, napansin ni Lyka na hindi nagpaparamdam si Missy. Pinuntahan niya ito sa kanyang bahay ngunit wala siya rito. Naisip niya na baka umalis ito. Umuwi na siya at nanood ng balita. Saktong pagkabukas niya ng telebisyon ay bumungad sa kanya ang balitang nagahasa at napatay ang isang babae na nagngangalang Missy Cruz.
Sabi sa balita ay natgpuan ang bangkay ng babae noong Lunes ng umaga.  Naisip niya na baka siya ang dahilan kung bakit lumabas ng bahay ang kanyang kaibigan.
“Siguro kung hindi ko siya niloko ay kasama ko pa siya ngayon. Kung hindi ko ginawa iyon ay marahil nakakausap ko siya ngayon. Ngunit wala na siya. Wala na ang pinakamamahal kong kaibigan. Patawarin mo ako Missy. Hindi ko alam na seseryosohin mo ang mga sinasabi ko sa iyo nang gabing iyon. Sana’y mapatawad mo ako,” sabi ni Lyka habang umiiyak. Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin siya.
Nagpunta siya sa burol ni Missy. Humingi siya ng tawad sa pamilya nito. Ang sabi nila sa kanya ay wala siyang kasalanan. Hindi tumitigil sa pag-iyak si Lyka. Makalipas ang ilang araw ay nagpakamatay siya dahil hindi na kinaya ng kanyang konsensya.

Martes, Agosto 21, 2012

Tulips


                Ikalabinwalong taon na ni Irish, ang nag-iisang anak ni Don at Donya Tarnate. Siya ay maganda, mabait at matalinong dalaga. Lahat ng esudyante sa kanilang paaralan ay kilala siya. Maraming mga bisita ang kanilang inimbita. Karamihan sa mga pumunta ay ang mga kalalakihan na nahuhumaling sa kanya dahil alam nilang ngayon ay magsisimula nang tumanggap si Irish ng mga manliligaw.
                Sa malaking hardin ng kanilang mansyon naganap ang masayang pagdiriwang. Ang lahat ng panauhin ay abala sa kanilang kani-kanyang ginagawa, ang iba sa kanila ay nagsasayawan, nagkukwentuhan, at ang iba sa kanila ay kumakain. Habang nagaganap ang masayang sayawan biglang tinawag ng kanilang katulong si Irish at may inabot na bulaklak. Natuwa si Irish noong natanggap niya ang bulaklak na ito dahil ngayon lamang niya ito nakita. Huling kita niya sa bulaklak na iyon ay noong bata pa siya. Ang bulaklak na ito ay ang Tulips.
Nagtataka siya kung kanino galling ang mga bulaklak kaya’t tinanong niya ang kanilang katulong. Ngunit, ang sabi lamang ng kanilang katulong ay natagpuan lamang niya ang mga bulaklak sa may tapat ng kanilang mansyon. Tiningnan muli ni Irish ang mga bulaklak at hinanap kung kanino galing ito. Wala itong pangalan kung kanino ito galling, pero may isang maliit na papel siyang natagpuan at ang nakalagay dito ay “Today is the day you promise me your yes.”. Nagtaka siya noong nabasa niya ang ito kung kaya’t inisip niya kung sino ang mga taong humahanga sa kanya. Pero naisip niya na lahat ng taong humahanga sa kanya ay narito sa kaarawan niya ngayon at lahat ng mga nanliligaw sa kanya ay hindi kinaugalian na magbigay ng bulaklak dahil para sa kanila ito ay makalumang paraan ng panliligaw na lamang.
                Natapos na ang pagdidiriwang, hindi pa rin naalis sa isipan ni Irish ang kanyang natanggap na sulat at bulaklak. Kinabukasan, paglabas niya sa mansyon, nakita niyang may bulaklak na namang naiwan para sa kanya. Ito sy tulad ng mga bulaklak na natanggap niya noong nakaraang gabi may nakalagay na sulat ditto, “Good Morning, my princess.”. Mayroon siya ng ibang nadama. Sa tingin niya ay pamilyar na ito ilang sandali pa, ipinalagay niya sa kanilang katulong ang mga bulaklak at dumiresto na siya sa eskwelahan. Habang bumabiyahe, siya ay nag-alaala ng nakaraan. Siya ay napangiti sa tanawin ng kanilang hardin at ang kanyang mga kalaro.
 “Ma’am nandito na po tayo.” saad ni Mang Bert.
Dali- dali siya bumaba.
                Nagtuturo ang kanyang guro sa matematika ng biglang may pumasok na delivery man, may hawak itong Tulips. Ipinaabot daw ito kay Irish. Hindi maiwasan ang hiyawan sa loob ng klase at sa tanong ng kanyang mga kamag-aaral kung kanino ito nanggaling. ‘Yun din ang tanong niya sa sarili. Noong itinanong niya sa delivery man, ang nasagot lamang nito ay “ Wala po nakalagay na pangalan. Ang alam ko lang po ay nagbayad ng malaking halaga ang taong iyon maibigay lamang ang bulaklak na ito sa oras na ito.”
                “Kailan pa po ba niya ito ipadeliver?” tanong ni Irish.
                “Noong 2006 pa po. Sige alis na po ako,” sagot nito
                Noong umalis na ang delivery man, nagpatuloy ang klase pero wala na sa klase ang isip ni Irish. Iniisip niya kung sino ang misteryong lalaki na ito. Nakaramdam din siya ng kaba nang makita niya ang  salitang nakalagay dito.
                Gabi na ng siya ay makauwi, pagpasok niya  nakita ang kanyang infinity bracelet. Sa mga oras na yon ay naluha na lamang siya dahil hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang bracelet na na ibinigay sa kanya ni Joseph, ang lalaking una niyang inibig.
Mga bata pa lamang sila noon, magkakilala na sila. Magkaibigan ang kanilang mga magulang at magkalapit ang kanilang bahay. Itinuring nila ang isa’t isa bilang kalaro, kakwentuhan, katawanan, matalik na kaibigan at tunay na iniibig. Patunay nito, madalas na binibigyan ni Joseph si Irish ng Tulips na pinipitas niya mula sa hardin nila. Ika-12 kaarawan ni Irish ng aminin ni Joseph ang pag-ibig niya. Bagama’t iniibig din siya ni Irish, minabuti na lamang ng dalagang hintayin ang tamang panahon para sa relasyon, ang pagtuntong ni Irish sa ika-18 na gulang.
Dalawang linggo matapos ang kaarawan, ipinasya ng pamilya ni Joseph na manirahan na  sa America dahil may sakit ang kanyang lola. Nagtungo siya sa hardin kung nasaan si Irish.
“Irish,” tawag ni Joseph. Hindi pa din tumugon si Irish, patuloy lang ito sa pagluha.
                “Saglit lang kami doon. At saka sigurado na uuwi ako bago ang debut mo.”
Hindi pa rin sumasagot si Irish kaya ipinagpatuloy na lang ni Joseph ang kanyang sinasabi.
“Hindi ako papayag na ‘di makauwi sa debut mo. ‘Di ba doon mo ako sasagutin? Di ba sa gabing iyon mo ako magiging prinsipe, aking prinsesa?”
                Sa pagkarinig ni Irish ng salitang prinsesa, napangiti siya at niyakap na lang siya si Joseph.
                “Pangako mo ya ha? I’m your princess!” sabi ni Irish na humikbi pa.
                Napangiti naman si Joseph na may luha na rin sa mga mata.
                “Oo naman. Basta maipangako mo rin sa akin na ako ang una mong magiging kasintahan at iyon ay magaganap sa ika-18 na kaarawan mo, ” saad ni Joseph.
                “Hindi lang una. Ikaw din ang huli.” Sabi niya sabay higpit pa sa pagyakap kay Joseph.
                “Hehe. Suutin mo para sigurado tayo sa walang hanggan ang ipinapangako mo.”  Sabay suot ni Joseph ng infinity bracelet kay Irish.
                “Anak aalis na tayo.” Tawag ng mommy ni Joseph
                “Irish, aalis na ko. Ingat ka lagi . mahal kita,” wika ni Joseph sabay halik sa noo ni Irish. At tumakbo na ito paalis.
                Makalipas ang tatlong taon naaksidente ang eroplano na sinasakyan nina Joseph. Ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Joseph. Nahirapah si Irish tanggapin ito kaya pinilit niyang alalahanin ang lahat sa nakaraan niya. Ibebenta na nila ang bahay nila noon para malimutan na rin ang lahat ng alaala nilang dalawa ni Joseph.
                Hawak-hawak pa din ni  Irish ang bracelet habang patuloy ang pagluha. Ngayon pala ang “death anniversary” ni Joseph. Ang pag-iisip sa pangalan niya ang lalong pagsakit ng puso niya. Mahirap at masakit maalala ang mga bagay na pinipilit mong kalimutan, pero hindi maiiwasan na dumarating ang panagon na kailangan itong harapin.
                Kinabukasan, gumising ng maaga si Irish. Nagtungo siya sa sementeryo kung saan nakalibing si Joseph. Ngayon lamang siya nakapunta dito. Pag-upo niya, bumagsak din ang luha sa mga mata niya.
                “Salamat sa bulaklak na, mahal din kita may Prince.” Sabi niya ng may ngiti bago umalis.

Fortune Cookies


Araw ng Linggo noong nagsimba kami ni Louise. Pagkatapos ng misa, dumiretso kami sa paborito naming Chinese restaurant. Habang tinatahak namin ang daan papunta doon ay nagulat ako dahil tinanong niya ako kung gusto ko nang magpakasal. Maglilimang taon na kaming magkasintahan, naisip ko na stable naman na kami sa aming mga buhay at alam kong kung um-oo ako ngayon ay alam kong hindi ako magsisisi sa huli. “Oo o hindi?” Syempre um-oo na ako. Tatanggihan ko pa ba na maging masaya ako panghabang buhay?
Nag-park na kami. Habang naglalakad na kami papasok sa restaurant, may babaeng nakatakip ang kalahati ng mukha na mata lang ang kita ang lumapit sa amin.
“Tulungan niyo naman ako, nawawala ang asawa ko.” Sambit nito.
Sobrang nakakapangilabot ang boses niya kaya naitulak ko siya palayo sa amin. Napaupo siya sa kalsada at kami naman ay nagpatuloy na sa paglalakad papasok. Naupo na kami. Kinalimutan na namin ang tungkol sa babae. Nag-order na kami. Habang hinihintay namin ang pagkain ay lumapit sa amin ang waitress.
“Sir, mam, fortune cookies po, bunot po kayo.”
 Pagkabukas ko ng fortune cookie ay na-weirduhan ako sa nakasulat. Tagalog kasi ito.
“HINDI MO MATATAKASAN ANG NAKARAAN.”
Itinapon ko na lang ito at kinausap si Louise. Hindi ko na lang tinanong si Louise dahil wala naman akong pakialam doon.
 Sa wakas ay dumating na ang order namin. Masaya kaming kumain habang pinag-uusapan ang tungkol sa kasal.
Lumipas pa ang ilang araw at marami-rami na rin kaming naiplano. Napagdesisyonan ko na din kung anong magiging itsura ng aking gown. Gusto ko ng vintage wedding. Lumipas pa ang ilang araw at naipamigay na rin ang mga imbitasyon. Siguradung -sigurado na talaga kami dito sa kasal na ‘to.
Habang papalapit ang araw ng kasal may mga gabing sadyang gumugulo sa akin. Ilang beses ko na kasing napapanaginipan si Jonathan. Siya yung lalaki na napagtripan naming magkakabarkada noong nagswimming kami sa Batangas pagkatapos ng aming high school graduation.
May nobya kasi siya, si Nita. Pinagkatuwaan naming ang mga promding ito. May nangyari sa amin ni Jonathan. May nangyari din kay Louise at Nita. Hindi ko pa nobyo si Louise ng mga oras na yun.
Ilang magkakasunod na gabi kong napapanaginipan si Jonathan na sinasakal ako gamit ang aking belo ko. Noong pangalawang gabi’y sinaksak niya ako ng itak at nang huling ay sinunog niya ang katawan ko. Nagsisigaw ko hanggang sa magising.
Hindi ako mapamahiing tao kaya winalang-bahala ko na lang ito. Kahit naiisip kong lahat ng ito ay tila pangitain sa hindi pagkakatuloy ng aming kasal, walang sinuman ang pwedeng pumigil noon.
Katulad ng fortune cookie hindi ko na rin ikinuwento kay  Louise ang tungkol sa  mga panaginliip ko. Ayaw kong mag-isp pa siya at ayokong magkaroon ng problema ang tungkol sa kasal namin lalo pa’t wala ng isang buwan bago ang araw na aming pinakahihintay.
Isinulat ko na lang ang lahat ng ito sa aking diary.
Akala ko’y jitters lamang lamang ang mga panaginip ko subalit muli itong nanumbalik makalipas ang ilang araw. Patuloy pa rin ang pagpapakita ni Jonathan sa aking panaginip. Hanggang sa dumating na sa punto na ayaw ko nang matulog. Ayaw ko na siyang makita pa.
Pero kahit nililibang ko ang aking sarili, sa mga saglit na iidlip ako, sa pansamantalang pagtigil ko sa aking ginagawa ay biglang parang daraan ang kanyang mukha sa gilid ng   mga mata ko. Paulit-ulit… paulit ulit. I am getting paranoid…
“Aaaaaaaah!”
Balot na ako ng takot, pero wala akong sinabihan ni isa tungkol dito maliban sa diary ko.
Bisperas ng araw ng aming kasal ginulat ako ni Louise nang dumating siya sa condo. Nagtataka ako kung bakit parang suot niya ay ang mismong damit na nakikita kong laging suot ni Jonathan sa panaginip ko. Hindi ko ito pinansin.
Nagtataka siya dahil sulat ako nang sulat ko habang kinakausap niya ako. Nagalit siya. Bigla na lamang niya akong sinakal. Namumula ang kanyang mga mata sa galit. Hindi siya si Louise…. Siya si JONATHAN…..
“EEEEEH!”
Madilim, malamig, malansa ang amoy sa paligid. Dugo, amoy ng malansang dugo. Punong puno ng dugo ang kamay ko habang isinusulat ko ito. Hindi ko alam kung anong dahilan ng panginginig ko. Gutom, takot o lamig? Hindi ko alam.
Katabi ko ngayon ang wala ng buhay na si Louise. Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa aking sarili. Hindi ko sinasadya. Papatayin niya ako gaya ng pagpatay ni  Jonathan kay Nita.
Ang nakasulat sa fortune cookie na hindi ko raw matatakasan ang nakaraan sa pamamagitan ng babae na aking nakita sa huli kong panaginip.
“Hindi na matutuloy ang kasal namin ni Jonathan. Akala niya ay may nangyari sa amin ni Louise.” Umiiyak siya sa akin, nagmamakaawa. “Paliwanagan mo naman si Jonathan. Makikinig iyon sa iyo,” pagsusumamo niya.
Si Nita ang babae sa panaginip ko! Si Nita at ang babae na nakita namin sa restaurant noon na humihingi sa amin ng tulong dahil nawawala ang asawa niya!
Ayon kay Louise, nagkwentuhan lamang sila ni Nita sa silid noong gabing ‘yon. Ngunit planado talaga ang lahat ng ‘yon, si Louise kay Nita at ako kay Jonathan. Hindi naman namin alam na ikakasal na pala sila, balak lang namin na pag-awayin ang dalawa bago kami umalis doon. Nakakatawa talaga ang mga probinsyano, dahil lang sa isang laro hayun ang gulu-gulo ng buhay. Pagbalik namin magbabarkada sa Maynila ay hindi na namin muli pang napagusapan ang tungkol doon.
Nabalitaan na lamang namin ang mga sumunod na nangyari. Dahil sa maling akala ni Jonathan  na may nangyari kay Nita at Louise ay nagalit siya at sa sobrang galit nito’y napatay niya si Nita. Sinakal niya ito gamit ang belo na dapat sana ay susuotin nito sa kanilang kasal, sinaksak ng itak at saka sinunog ang katawan.
At ngayon ay nangyayari sa amin ang nangyari sa kanila. Hindi natuloy na pagpapakasal nila at ang pagpapakamatay ni Jonathan pagkatapos niyang mapatay si Nita. Hindi ko alam… Hindi ko na makontrol ang sarili ko.
Naririnig ko ang sigawan ni Jonathan at Nita… ang pag-iyak ni Nita… ang pagsigaw ni Jonathan… Natatakot ako.
Ahh.. Kutsilyo, oo kutsilyo. Sinaksak ni Jonathan ang sarili niya matapos niyang patayin ang babaeng mahal na mahal niya.
Kasalanan ko ito… Patay na ang taong mahal ko, ang taong gusto kong makasama habang buhay kaya wala na din dahilan para mabuhay ako. Sinaksak ni Jonathan ang sarili niya… Natatakot ako.
Patawad Jonathan at Nita, naging hadlang kaming dalawa sa pag-iibigan niyo, dapat lang sa amin itong ginawa niyo. Ngunit hindi! Hindi naming sinasadya. Wala kaming alam. Hindi ko alam. Tama sila, hindi nga namin matatakasan ang nakaraan. Takot… Kaba… Hindi ko alam ang gagawin ko. Louise, aking mahal magsasama na tayo habang buhay.

Linggo, Agosto 12, 2012

Horoscope

“Ahhhhhhhhhh!. Hindi totoo ito! Hindi! Hindiiiiiiiiiii!”
Eto na naman, minsan naiisip ko na isa itong sumpa sa aming pamilya yung para bang sobrang sama ng panaginip at iba ang pakiramdam pagkagising, ganito din kse nangyayari sa iba kong kamag-anak eh. Hingal na hingal, pawis na pawis at pagod na pagod ang pakiramdam ko tuwing gigising ako sa umaga pagkatapos mapanaginipan ang bangungot na iyon, mabuti na lamang ay nandyan ang bestfriend ko na si Christian. Simula noong malaman niya ang nangyayari sa akin, lagi na niya akong pinupuntahan sa bahay ko  sa Malate lalo na kapag umaga. Mag isa na lang ako dahil wala naman akong kapatid at patay na mga magulang ko. “Hay buhay! Makapag-ayos na nga! Baka ma-late pa ako sa call center. Nakakaloka talaga ‘yung mga napapanaginipan ko!”
Naghanda at naligo na ako para pumasok sa office. Pagbaba ko sa aming sala ay nakakita ako ng dyaryo at binasa ito habang umiinom ng kape.
"Ano kayang sabi sa horoscope ko ngayong araw na ito? Hmmmm.”
Mahilig akong magbasa ng mga horoscope sapagkat may pagkakataon na tama ang isinasaad nito ayon sa aking mga karanasan, halimbawa na lamang nung sinabing kailangan may diary ako magsimula na akong mag diary noon. Mas marami ang swerte na dumating sa buhay ko. Noong kaarawan ko ay sinabi sa horoscope ko na maswerte ako nung araw na iyon at magiging masaya daw ako. Nagkatotoo naman iyon ng sinurpresa ako ng aking bestfriend.
“Ayun!” Nakita ko na ang aking horoscope.
Taurus: Maswerte ka ngayong araw na ito dahil may pagkakataon kang ipakita ang pagmamahal mo sa lahat ng taong mahalaga sayo, ganun din sya sayo, subalit mag-ingat ka! May paparating na pangyayari na yayanig sa buong buhay mo.
“Hmmm. Ano kaya yun?” Tinawagan ko muna si Christian.
 “Hello Eli!” Sagot nya.
“Ano na? Nasaan ka na? Anong petsa na oh? Kala ko pupuntahan mo ko, kanina pa ko nag-iintay! Nagtatampo na’ko sa’yo! Hmpp!” Sagot ko naman sa kanya ng may halong biro. Hay kung alam lang niya.
“Eto na po boss!”
Nakarinig ako ng kotseng tumigil sa tapat ng bahay at may sumigaw ng,  “Oh, andito na’ko.”
Ang bilis niya naman o ako lang talaga tong late tumawag? Ha! ha! Makababa na nga! Ihahatid niya ko ngayon sa Teleperformance, doon office ko eh. Simula college bestfriend ko na siya at lagi kaming magka-blockmate.
Unang kita ko sa kanya noong tumutugtog siya ng gitara. Hinaharana niya si Sophie, ang girlfriend niya. Yun ang unang beses na nadurog ang puso ko. Hindi naman ako naniniwala sa “Love at first sight‘‘ pero naramdaman ko na lang ang kakaibang tibok ng puso ko nung araw na yon. Hanggang sa isang araw ay nakarinig ako ng napakalungkot na kanta na nanggagaling sa loob ng classroom namin. Nakita ko ang lalaking minamahal ko na bestfriend ko na ngayon. Nang matapos ang kanyang tinutugtog ay nakita ko na lamang ang luhang tumulo sa kanyang napakagandang mata. Nag-break sila ni Sophie dahil may ibang mahal ito. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat ako sa ginawa ko pero noong narinig ko ang mas malakas na iyak niya ay tinuloy tuloy ko na lang iyon. 
Hindi ko namamalayan na napapangiti ako nang..
*PAK!*
“Aray!“
Hinampas niya ko sa braso. Ang hilig niyang hampasin braso ko. Ang taba daw kasi kahit payat ako. Hay, nagda-daydream pa naman ako! Panira talaga to ng moment.
“Hahahahahaha! Ano ba, Eli! Para kang tanga dyan, bigla-bigla ka nalang ngumingiti dyan! Hahahahaha!“ Sabi niya. Tuloy tuloy lang siya sa pagtawa at napapangiti ako tuwing nakikita ko siyang masaya na ako ang dahilan.
‘‘Sige pagtawanan mo lang ako, dyan ka naman magaling eh, ang pagtawanan ako, mag-drive ka na lang dyan, traffic oh, ma-late pa ‘ko eh.” Pabirong sabi ko sa kanya.
‘‘Joke lang boss, eto naman di na mabiro. Ano ka ba kasing dahilan at ngumingiti ka dyan? Hahaha!“ sagot naman niya
‘‘Ikaw“ pabulong kong sagot.
“Ha?”
Ang bingi talaga nito kahit kelan! Huh!
“Wala,” sagot ko sabay ngiti sa kanya. ‘’Ay boss pangit, bili tayo sampagita dun sa bata para may ilagay ako sa altar sa bahay saka para may pang-agahan na rin siya.’’ Binuksan ko yung bintana at bumili ng sampagita. Nang ibibigay na niya sa akin ang sampaguita ay biglang may tumabig ng kamay niya at nahulog ang sampaguita. Isang matandang pulubi na mukhang may problema sa pag-iisip.
‘’Umuwi ka na sa inyo! Umuwi ka na! May mangyayaring masama sayo!” mariin niyang sabi sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
“Bitawan ‘nyo siya!”
Hinatak ni Christian ang kamay ko mula sa pagkakahawak nung matandang pulubi at isinara ang bintana. Tulala ako sa mga pangyayari at nanlalamig ang mga kamay ko. Natatakot ako. Nang bigla akong niyakap ni Christian at hinimas-himas ang likod ko.
“Okay ka lang ba?”
“Oo, salamat,” sagot ko naman.
Nahimasmasan na ako nang kaunti subalit hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan ang sinabi ng matandang babae. Pangalawang beses na itong may nagbadya sa aking mag-ingat ako. Hindi kaya....Hindi!!! Hindi yan totoo.

"Hoyyy." Nagulat ako ng bigla akong hinampas ni Christian sa braso. "Wag mo na isipin yun. Wala lang yun. Hangga't nandito ako sa tabi mo, walang mangyayaring masama sa’yo."
Nabawasan ang mga iniisip ko ng sinabi iyon ni Christian. Hayy... Kung ako nalang sana ang minahal niya, sigurado hindi ko siya ipagpapalit at mamahalin ko sya ng buong-buo. Ano ba yan natutulala na naman ako.
"Eli, papasok ka pa ba?” tanong niya.
“Oo, kailangan kong pumasok eh, nakakailang absent at late na rin ako baka matanggal ako.”
"Sigurado ka? Kakausapin ko na lang boss mo kung ayaw mong pumasok, malakas naman ako dun eh, laging epektib ang killer smile ko dun,” pabiro niyang sabi pero seryoso ang kanyang mukha, ang kanyang napakagwapong muka. Ganito ko na ba siya kamahal? Ang lakas ng tibok ng puso ko. “Sunduin kita mamaya sa office niyo ah.”
“Salamat Christian” niyakap ko siya ng sobrang higpit, ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa. "Salamat sa lahat. Sa tuwing kailangan ko ng makaksama lagi kang nandiyan." Wala na siyang sinabi pa at niyakap niya din ako.
Grabe, parang isang buong araw nakong nagtatrabaho pero lunch time palang. Wala akong ganang kumain pero nahihilo ako.
“Elisa, tara sabay ka na sa amin  kumain sa Max’s. Treat daw ni bossing!” yaya sa akin ng kasamahan ko sa trabaho pero tumanggi ako dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ng matandang iyon. Nag-ayos muna ako ng gamit at nagtungo sa cr para mag-retouch. May mga tao din sa loob pero umalis na din at ako na lamang mag-isa. Matatapos na ako nang biglang namatay ang ilaw ng ilang minuto, wala akong makitang anuman, nangangapa ang mga mata ko sa dilim. Kinakabahan ako dahil takot ako sa dilim. Malamig ang pakiramdam ko. Bumukas ang ilaw at..
“AHHHHHHHHHHH!” may babaeng nakatayo sa likod ko at masama ang tingin sa akin. Palabas na sana ako ng CR ay may naramdaman akong malamig na kamay na nakahawak sa aking balikat. Nag-iba ang pakiramdam ko at biglang kinutuban. Lakas-loob akong tumalikod at laking gulat ko ng makitang ang babaeng humawak sa akin sa loob ng CR ay iisa lang. Malamig ang pawis na tumutulo sa aking muka at nanlalaki ang mata ko sa nakikita ko, napawi ang atensyon ko ng biglang nawala ang matanda ay gumagalaw ang door knob na para bang may nagpupumilit buksan ang pintuan sa labas. Kinakabahan ako, nanginginig ang kamay kong nanlalamig sa takot pilit kong nilakasan ang loob ko nang..
BLAG….
Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagkawasak ng pinto.
‘’Eli, ayos ka lang ba? Di ba sabi ko sayo sabay tayong magla-lunch pero anong nangyari sayo, narinig ko nalang yung sigaw mo dito. Nawala lang ako sa tabi mo ng ilang oras eh, nag-alala ako sayo,“ tuloy-tuloy niyang sabi at niyakap ako.
Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pangamba at takot dahil sa nangyari kanina. kilig at tuwa dahil nararamdaman ko ang presensya ni Christian sa tuwing napapahamak ako.
‘‘Miss? Miss? Excuse me, miss? Tama po ba? Isang Milk Tea with cream puff and sago?’’ Natauhan ako sa paulit-ulit na sinasabi nung kahera.
‘’Oo, miss. Pasensya na po.”
Naalala ko ang nabasa kong horoscope kanina, Taurus: Maswerte ka ngayong araw na ito dahil may pagkakataon kang ipakita ang pagmamahal mo sa lahat ng taong mahalaga sayo, ganun din sya sayo, subalit mag-ingat ka! May paparating na pangyayari na yayanig sa buong buhay mo.
Hay, eto na ba yun? Bakit parang lahat ng swerte ko noon at kabaligtaran sa nangyayari sa akin ngayon?
‘’Miss Elisa! Eto na po yung order niyo.’’
‘’Salamat’’
Pabalik na sana ako sa kotse ni Christian nang biglang may nag-abot ng sobre sa akin na matanda.
"Miss. Nahulog mo 'ata itong sobre kanina, noong bumili ka." wika niya.
"Sigurado po ba kayo?"
Wala naman akong natatandaang sobre na pagmamay-ari ko.
Bigla na lamang nawala sa paningin ko ang matanda at dali-dali ko namang tiningnan ang laman niyon. Isang lumang papel na kulay brown ang nakapaloob sa sobre. Pangkaraniwan ang papel na iyon. Dahan-dahan kong tiningnan ang nakasulat sa sa papel.
"Huh? Ano ito? Hindi ko maintindihan ang nakasulat. Mukhang pabaliktad ang pagkakasulat dito.‘‘ Itinapat ko ito sa salamin upang malaman ang nakapaloob na salita dito. Laking gulat ako ng makitang ko ang salitang "Mag-ingat ka!"
Natuon ang isip ko nang biglang naramdaman ko na tila ba may mahapdi sa may wrist ko, pagkatingin ko’y wala na ang binigay na bracelet ni Christian. Nataranta ako, nasaan na yun? Hangga’t sa nakita ko itong hawak ng lalaking dumaan sa gilid ko.
‘’Hoyyyyy! Ibalik mo sa akin yan! Manoooongggg!’’ naiiyak ako, mahalaga sa akin un. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinabol ko ang lalaking iyon.
‘’Elisaaaa!’’ hindi ko na pinansin ang sinabing iyon ni Christian dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay mabalik sa akin yung bracelet na iyon nang biglang..

"Hindi ko na kaya! Naguguluhan na ako!!! Bakit ganito?" ang dami kong tanong na hindi ko alam ang mga kasagutan. Tulad na lang ng nangyayari ngayon.
"Huuuoooo.. Hiiiiiii. Hmmmm. Bakit hindi ako makahinga? ang sikip-sikip.. Aaaaaaaahh!"
          "Eli.Eli?Eli."
          "Hayyyy. Christian" Niyakap ko siya sa sobrang takot ko. Nanaginip na naman ako. Isang madilim na lugar na punong-puno ng mga bulaklak. Madaming tao. Lahat umiiyak. Nakakapagtaka dahil nandoon din si Christian. Paglapit ko ayyyy..nakita ko ang aking sarili. Mapayapang natutulog at walang dinaramdam. Nasa loob ako ng isang ataul na kulay puti.
‘‘Waaaaaaaaaaaaaaaaa! Hindiii! Hindiiiiiiiiiiiiiiiii!!!‘‘
Gusto kong umiyak, subalit hindi ko na maramdaman ang mga tulo ng luha ko. Nakita ko si Christian. Nilapitan ko siya at niyakap subalit hindi ko siya mahawakan o maramdaman.
‘‘Christian, kayanin mo yan. Kailangan mong kayanin.“ Sabi sa kanya nung kaibigan niya.
‘‘Isang kaibigan na sobrang bait, maunawain at laging nandyan pag kailangan ko ng makakasama. Hindi ko alam kung kaibigan lamang ba ang turing ko sa kanya, o mahal pagmamahal, natatakot kasi ako. Pero bakit ganun? Kung kelan nandito na sya, natutulog ng mahimbing, doon ko lang napag isip-isip na  mahal ko na talaga s'ya. Bakit ngayon mo pa ako iniwan Eli? Bakit ngayon pa kung kelan handa na ulit ako magmahal? May mga bagay talaga na Hindi na natin kayang ibalik; ang mga taong nagpasaya at nagturo sa atin ng iba't-ibang lesson buhay. Kung nailigtas ko lamang siya noong araw na iyon, siguro masaya kami ngayon, subalit hindi na iyon mangyayari pa. Masaya ako na nakasama at nakilala ko si Eli sa kahit konting panahon lang. Hindi ko namalayan na sa bawat araw at oras na magkasama kami ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya at ngayon nga malungkot mang isipin pero huli na ang lahat. Hindi ko manlang nasabi sa kanya na mahal ko sya.“ May mga tumutulong luha sa mga mata niya. Eto na ata ang pinakamahabang nasabi niya sa akin. Jusko po! Tulungan niyo po siyang lakasan ang loob niya!
"Eli kung nasaan ka man ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA! MISS NA KITA.’’ Parang tumigil ang mundo ko nang sinabi niya yan. Naramdaman ko lamang ang luhang kanina paý hindi lumalabas sa mga mata ko.

“Hindi ko maintindihan kung bakit may gumawa sa kanya noon, noong araw ding mabangga siya ay nakatanggap ako ng isang sulat at nagsasabing, ‘‘Sa wakas, natupad din ang plano ko, ang mamatay si Eli. Nagtataka ka ba kung bakit may mga kababalaghang nangyari sa kanya? Dahil sa akin yun, dahil pinakulam ko siya at plinano ko din ang pagkamatay niya. Masaya na ako ngayon, wala na akong karibal. Hindi ko maisip na may gagawa kay Eli nun dahil sobrang bait niya sa mga tao sa paligid niya.”
Nagulat ako sa narinig ko, sino nga ba ang may pakana lahat ng iyon? Senyales ba ang mga bangungot? Nakita ko na lamang na binubuksan na niya ang bag ko at kinuha ang diary ko.  Iyong diary na lamang na iyon ang tanging paraan para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Napakamanhid ko para di ko mahalatang mahal din pala niya ako! Nagsisisi ako ngayon. Sobrang pagsisisi dahil nuon pa lamang ay di ko na siya nailigtas sa bangungot na nararanasan niya. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga ko. Makulit talaga siya para magpaniwala sa mga horoscope o hula. Nakatuon lamang siya sa mga horoscope at nagsimula doon ang kamalasan na inakala niyang swerte. Pero kung dahil sa horoscope na iyon ay di niya maisusulat itong diary niya at hindi ko malalaman ang totoo niyang nararamdaman para sa akin. “ ika niya.
‘‘Eli, ang daya mo! Kala ko ba walang iwanan? Eli, ako nalang mag-isa ngayon. Wala nakong bestfriend. Wala nakong boss.‘‘ napabuntong hininga siya. ‘‘Pero andito pa din sa puso ko ang taong mahal ko. Ngunit kung sino man ang taong may kagagawan nito, ay paniguradong walang madudulot ang buhay sa kanyang maganda, Diyos na ang bahala sa kanya.“ Dagdag pa niya.
Eto na ang huling beses na yayakapin ko siya pero sa pagkakataong ito ay hindi ko mararamdaman ang pagdikit ng mga katawan namin. Napakalungkot mang isipin ngunit kailangang may umalis kahit ayoko man. Hindi ko siya iiwan. Dahil mananatili ako sa puso’t isipan niya. Dahan dahan na akong lumapit pa sa kanya at niyakap siya. Alam kong nararamdaman din niya ang presensya ko dahil sa lungkot na nararamdaman ng mga puso namin.
‘‘Christian, bestfriend, boss pangit, MAHAL NA MAHAL KITA!“ hinalikan ko siya sa pisngi.
Bigla ay hinawakan niya ang kanyang pisngi at nagtatakang tila mayroon naramdaman.
Parang may magnet na humihila na sa akin paitaas. Pagpapatawad ang solusyon ko para tuluyan nang manahimik. Diyos na lamang ang bahala sa may gawa nito sa akin.
At sa huling pagkakataon ay nasulyapan ko ang bestfriend ko. ‘’Wag ka mag-alala, magkikita din tayo, Paalam. ‘’

MALING AKALA

                Mataas ang sikat ng araw at nanlalagkit na si Neil habang nakatambay sa loob ng kanilang bahay habang nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo sa kanyang kama. At dahil sa pagiging lalaki, hindi naman niya talaga binabasa ang mga balita at tinitignan lamang niya ang mga imahe ng mga artista.

          "Ang seksi naman ni Marian Rivera!" sabi pa niya habang nakangisi parang tanga. Ilang minuto pa ang nakalipas at naisipan niyang ilipat ang pahina at napunta siya sa Horoscope. Hinanap niya ang Pisces at binasa niya ito.

          'Magkakaroon ka ng madaming source of income this year! Ang mga senyales ang magdadala sa iyo sa source of income mo kaya huwag babaliwalain ang maliliit na bagay.'

          "Wow naman! Tiba-tiba pala ako! Swerte! Like!" tuwang tuwa niyang sinabi.


          Maya-maya pa, naisipan niyang dumaan sa bagong bukas na restaurant ng kaibigan niyang si MM. Sakto, baka maka-libre pa siya. Nakita niyang madaming tao sa loob kaya naman dumeretso siya sa kanyang matalik na kaibigan.
           "Hoy, MM! Libre ka naman diyan!" sabi niya sabay High-Five. Tinignan lang siya ni MM at binato niya ng Fortune Cookie si Neil sa mukha.

           "Hanggang biskwit ka lang muna, dre." sabi ni MM. 'ANG KURIPOT NAMAN NITO!' sabi ni Neil sa kanyang sarili. Ngunit kahit ganoon, kinain pa rin niya ang Fortune Cookie. Sa unang kagat pa lamang nito, nakita na niya ang papel na nasa loob nito. Binasa niya,

           'Today, you will meet wealth and luck.'

           Biglang nagtaka si Neil. As in sobrang nagtataka. Bukod sa hindi niya maintindihan ang nakasulat dahil ito ay Ingles, masyado itong matalinhaga. Sa sobrang pagtataka niya, lumabas siya ng restaurant at naglakad-lakad. Naka yuko lang siya, iniisip pa rin ang mga nabasa.

           "Joke lang 'yun." sabi ni Neil sa kanyang sarili. "Biskwit lang 'yun. Ano ba ang biskwit para magdikta ng kapalaran ko? Joke lang talaga-"

           Hindi na natapos ni Neil ang kayang sasabihin dahil may bumangga sa kanya. "ANAK NG PATATAS!" bulalas niya. Pagkatingin niya sa bumangga sa kanya ay nanlaki agad ang kanyang mga mata.
           Isa itong napakagandang babae na kamukha ng crush niyang si Marian Rivera. Maputi, katamtaman ang tangakad, mahaba ang buhok, maganda at bilog ang mga mata, at higit sa lahat, napakaganda at kuyal rosas ang kanyang mga labi. Hindi na niya napigilang mapanganga.


           "Paumanhin po!" bigkas ng dalaga. Nakakabaliw ang kanyang boses, parang Asia's Songbird ang dating!

           "H-ha?" napailing si Neil. Ngumiti ang dalaga. Halos natunaw si Neil sa kanyang kinatatayuan.

          "Sabi ko, paumanhin kasi nabangga kita." Hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay at sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat.

          Biglang nanginig ang magandang dalaga at napanginig si Neil sa takot. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Tila ‘di niya mawari kung sinasapian ang babae o pinagtitripan nanaman siya ni MM. Noong mga bata pa kas sila, palaging nabibiktima si Neil sa mga kalokohan ni MM kaya kahit sanay na siya, palaging siya ang tulo-uhog sa huli dahil sa takot.

                “Miss!”  inalog ni Neil ang dalaga. Bigla itong natauhan at idinilat ang mga mata. Tinignan ito ang mga mata ni Neil.
                “Pera. Maraming pera,” sabi ng dalaga.
                “SAAN?!”
                “Luluhuran ka ng artista. Tatlong paru-paro. Superhero! Pera! Yayaman ka. Mangyari’y magkatotoo lahat nang sinabi ko, yayaman ka. Mas yayaman ka pa kay Manny Paquiao!” sabi ng dalaga.
                Lalo pang naguluhan si Neil. “HA? Joke ka?”
                “Hindi.” Pangako ng dalaga. “Sa mismong tapat ng simbahan. Nandun ang biyaya. Huwag kang didiretso sa simbahan. Mamalasin ka.” Sabi ng dalaga. “Kung ikaw ay nagtataka, ang aking pangalan ay Juana. Juana Panga.” Dugtong pa nito. Hinawakan ulit ni Juana ang kamay ni Neil at sinabing, “Kung gusto mo, hindi ka magdadalawang isip para makuha ito.” Binitawan niya ang kamay ni Neil at umalis parang walang nangyari.
                Pagkatapos nang eksenang iyon, napaisip siya. Baka nga! Bakit ‘di ko subukan? Anung mawawala? WALA!
                “Baka matuwa pa si Inay nito! ‘Por da pers taym!” sabik na sabik niyang sinabi. Inisip niya ang magiging porma niya pag madami na siyang pera. Araw-araw siyang naka-tux na puti!  Yung terno pa para astig! Tapos bibili siya ng maraming kotse! Maari nang magbuhay doña ang kanyang nanay. Magpapatayo pa siya nang maraming swinning pool na kasya ang buong baranggay sa likod ng ipapatayo niyang sobrang laking bahay na mas malaki pa sa Malacañang.
                Tiba-tiba! Like. Share.
                Sa sobrang ngisi niya, hindi niya namalayan ang lalaking bumundol sa kanya at nahila pa niya ang shorts ni Neil hanggang tuhod.
                “AY!” sigaw niyang may halong galit, gulat, at pagkahiya at dali-dali niyang tinaas ang shorts niya.
                “Patawad na, Julian! Umuwi na tayo! Hinahanap ka na nila Mama mo! Sige na, please!” umiiyak na ang lalaki.
                “TUMAHIMIK KA, SIRA ULO” tinaboy niya ang lalaki. “Sa susunod na makikita ko ‘yang pagmumukha mo, manghihiram ka ng mukha sa aso! UMAYOS KA HA! Leader ako ng fraternity dito!” sigaw ni Neil.
                Tumingin lang ang lalaki sa kanya. Mga Segundo pa ang lumipas, may narinig siyang boses ng isa pang lalaki.
                “Aaaaaand…CUT! Magaling! Magaling! I like it sooo much!” sabi ng direktor ng bagong teleserye. Namutla si Neil na parang asin.
                “May talent ka sa pag-arte! Paigtingin ang talent! Gusto mo bang i-toka kita kay Boy Abunda?” sabi ng direktor.
                Hindi na nakapagsalita si Neil at umalis na lamang. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong pagkahiya. Kahit siguro si MM, na abala sa restaurant niya, ay hindi magagawa iyon. Patuloy pa siyang naglakad. Halos hindi na siya makatingin sa ibang tao sa sobrang hiya. Muntikan pa niyang mamura ang artistang-
                Wait. Yung artista…lumuhod.
                “ANAK NG…!” napatigil siya sa kanyang lakad. Lumuhod sa kanya yung artista! Indianong garapon! Pinilit man niyang kumalma ay hindi niya magawa. Totoo ang sabi ni Juana Panga! At nung biskwit ni MM!
                Sa sobrang pananabik ay agad siyang naghanap ng paru-paro. Kay Aling Konyo!  May tindahan si Aling Konyo na hayup! Agad-agad siyang pumunta sa tindahan ni Aling Konyo.
                “Konyong marikit! Bigyan mo nga ako ng paru-paro mgayon din!” napakasayang sinabi ni Neil.
                “Ha? Walang paru-paro ditto! Layas! Chupi!” bulalas ni Konyo.
                Biglang nagalit si Neil, “Anung wala?! Pet shop ‘to!”
                “Inaalagaan ba ang paru-paro?! Layas!” bato ng babae.
                “Bwiset!” sa sobrang galit ni Neil ay itinumba niya ang mga binibentang kulungan sa bungad ng tindahan. “ ‘Wag kang magatatayo ng pet shop pag walang paru—“
                Hindi nanaman niya natapos ang kanyang speech dahil may nakita siyang paru-paro. Itim, puti, at asul.
                “AYOS! TENKYU LORD!” tuwang-tuwa si Neil sa labas ng tindahan ni Aling Konyo.
                “Hoy, kutong lupa!” sigaw ni Aling Konyo.
                “Idol kita, Konyong marikit!” paludag-lundag oa niyang sinabi.
                Superhero na lang, jackpot na ng bigtime! Pero hindi ito mangyayari kung hindi siya gagawa ng paraan. Lumingon-lingon siya sa paligid at may nakitang siyang batang may hawak ng pangit na teddy bear sa gilid ng kalye. Nakaisip siya ng paraan. Nilapitan niya ito at sinabing, “Bata, gusto mo ng pera?” Tumingin sa kanya ang bata at sumagot nang, “OPO!”
                Ayos.
                Ngumiti si Neil at sinabing, “Tumakbo ka sa gitna ng daan. ‘Dun sa daanan ng mga sakayan. Magpapabundol ka kunwari. Tapos pag may sumagip sayo, sasabihin mo, ‘Superhero ka!’ Ayos ba? Ang dali ‘di ba?”
                “OPO! SOBRA!” sabi pa ng batang sa sabik ay naihagis na ang pangit niyang teddy bear. Agad-agad itong tumakbo pupunta sa mga sasakyan at nagpasagip sa babaeng may hawak na maraming libro. Agad bumusina ang driver ng kotse at napatigil.
                “Superhero ka!” hindi nakalimutang sabihin ng bata. Nang lumabas ang driver ng kotse ay tumakbo na si Neil papunta sa simbahan. Ayos. Malapit lang. Wala na siyang paki alam sa gulo na kanayng ginawa sa gitna ng daan. Kayamanan, here I come!
                Naaninag na niya ang simbahan at agad siyang tumungo sa harap nito. Hindi siya magkawalay nang nakita niya ang dalawang maleta sa harap niya. Siya ay napaluhod at sinabing, “Maraming salamat, Lord!” Nilapitan niya ang maleta at binuksan. Puno nga ito nang limpak-limpak na salapi! Kumuha siya ng  konti at hinalikhalikan.
                Tsaka sakanya’y may lumapit.
                “DAPA! Kamay sa ulo! Ngayon na!” biglang sinipa ng pulis si Neil at ito ay napadapa pa. May dumagan sa kanyang isang matabang pulis at ipinosas ang kanyang mga kamay.
                “Hoy! Anung ginagawa niyo? Bakit niyo ako hinuhuli?!” sabi ni Neil.
                “Huli ka na, Boromeo Panga! Huli ka sa salang pagnanakaw at pagpapapanggap. Sa presinto ka na magpaliwanag.” Sabi ng isang pulis.
                “Hindi ako magnanakaw! Si Juana Panga ang dapat niyong huliin!” giit ni Neil.
                “AT SA TINGIN MO MANINIWALA KAMI SAYO? Gagawa ka na nga lang ng storya, kaapelyido mo pa! Tayo!” pinilit siyang tinayo ng mga pulis at nakita niyang maraming tao ang nakakakita sa kanya.
                “Hindi ako! Pramis hindi ako!” pilit na palad ni Neil. Ngunit tapos na ang lahat at nawala na ang kanyang mga pangarap. Gumuho na katulad ng Twin Towers noong 9-11.
                Pinilit pa niyang paniwalain ang mga pulis. Saka niya nalaman na niloko siya ni Juana o kung sino mang ahas na iyon. At ang masaklap ay nagpaniwala pa siya ‘dun. Kung maibabalik lang niya ang lumipas, sana ay pinagisipan niya muna ang mga nagyayari bago magpadala sa ningning ng salapi.