Linggo, Agosto 12, 2012

Horoscope

“Ahhhhhhhhhh!. Hindi totoo ito! Hindi! Hindiiiiiiiiiii!”
Eto na naman, minsan naiisip ko na isa itong sumpa sa aming pamilya yung para bang sobrang sama ng panaginip at iba ang pakiramdam pagkagising, ganito din kse nangyayari sa iba kong kamag-anak eh. Hingal na hingal, pawis na pawis at pagod na pagod ang pakiramdam ko tuwing gigising ako sa umaga pagkatapos mapanaginipan ang bangungot na iyon, mabuti na lamang ay nandyan ang bestfriend ko na si Christian. Simula noong malaman niya ang nangyayari sa akin, lagi na niya akong pinupuntahan sa bahay ko  sa Malate lalo na kapag umaga. Mag isa na lang ako dahil wala naman akong kapatid at patay na mga magulang ko. “Hay buhay! Makapag-ayos na nga! Baka ma-late pa ako sa call center. Nakakaloka talaga ‘yung mga napapanaginipan ko!”
Naghanda at naligo na ako para pumasok sa office. Pagbaba ko sa aming sala ay nakakita ako ng dyaryo at binasa ito habang umiinom ng kape.
"Ano kayang sabi sa horoscope ko ngayong araw na ito? Hmmmm.”
Mahilig akong magbasa ng mga horoscope sapagkat may pagkakataon na tama ang isinasaad nito ayon sa aking mga karanasan, halimbawa na lamang nung sinabing kailangan may diary ako magsimula na akong mag diary noon. Mas marami ang swerte na dumating sa buhay ko. Noong kaarawan ko ay sinabi sa horoscope ko na maswerte ako nung araw na iyon at magiging masaya daw ako. Nagkatotoo naman iyon ng sinurpresa ako ng aking bestfriend.
“Ayun!” Nakita ko na ang aking horoscope.
Taurus: Maswerte ka ngayong araw na ito dahil may pagkakataon kang ipakita ang pagmamahal mo sa lahat ng taong mahalaga sayo, ganun din sya sayo, subalit mag-ingat ka! May paparating na pangyayari na yayanig sa buong buhay mo.
“Hmmm. Ano kaya yun?” Tinawagan ko muna si Christian.
 “Hello Eli!” Sagot nya.
“Ano na? Nasaan ka na? Anong petsa na oh? Kala ko pupuntahan mo ko, kanina pa ko nag-iintay! Nagtatampo na’ko sa’yo! Hmpp!” Sagot ko naman sa kanya ng may halong biro. Hay kung alam lang niya.
“Eto na po boss!”
Nakarinig ako ng kotseng tumigil sa tapat ng bahay at may sumigaw ng,  “Oh, andito na’ko.”
Ang bilis niya naman o ako lang talaga tong late tumawag? Ha! ha! Makababa na nga! Ihahatid niya ko ngayon sa Teleperformance, doon office ko eh. Simula college bestfriend ko na siya at lagi kaming magka-blockmate.
Unang kita ko sa kanya noong tumutugtog siya ng gitara. Hinaharana niya si Sophie, ang girlfriend niya. Yun ang unang beses na nadurog ang puso ko. Hindi naman ako naniniwala sa “Love at first sight‘‘ pero naramdaman ko na lang ang kakaibang tibok ng puso ko nung araw na yon. Hanggang sa isang araw ay nakarinig ako ng napakalungkot na kanta na nanggagaling sa loob ng classroom namin. Nakita ko ang lalaking minamahal ko na bestfriend ko na ngayon. Nang matapos ang kanyang tinutugtog ay nakita ko na lamang ang luhang tumulo sa kanyang napakagandang mata. Nag-break sila ni Sophie dahil may ibang mahal ito. Nilapitan ko siya at niyakap. Nagulat ako sa ginawa ko pero noong narinig ko ang mas malakas na iyak niya ay tinuloy tuloy ko na lang iyon. 
Hindi ko namamalayan na napapangiti ako nang..
*PAK!*
“Aray!“
Hinampas niya ko sa braso. Ang hilig niyang hampasin braso ko. Ang taba daw kasi kahit payat ako. Hay, nagda-daydream pa naman ako! Panira talaga to ng moment.
“Hahahahahaha! Ano ba, Eli! Para kang tanga dyan, bigla-bigla ka nalang ngumingiti dyan! Hahahahaha!“ Sabi niya. Tuloy tuloy lang siya sa pagtawa at napapangiti ako tuwing nakikita ko siyang masaya na ako ang dahilan.
‘‘Sige pagtawanan mo lang ako, dyan ka naman magaling eh, ang pagtawanan ako, mag-drive ka na lang dyan, traffic oh, ma-late pa ‘ko eh.” Pabirong sabi ko sa kanya.
‘‘Joke lang boss, eto naman di na mabiro. Ano ka ba kasing dahilan at ngumingiti ka dyan? Hahaha!“ sagot naman niya
‘‘Ikaw“ pabulong kong sagot.
“Ha?”
Ang bingi talaga nito kahit kelan! Huh!
“Wala,” sagot ko sabay ngiti sa kanya. ‘’Ay boss pangit, bili tayo sampagita dun sa bata para may ilagay ako sa altar sa bahay saka para may pang-agahan na rin siya.’’ Binuksan ko yung bintana at bumili ng sampagita. Nang ibibigay na niya sa akin ang sampaguita ay biglang may tumabig ng kamay niya at nahulog ang sampaguita. Isang matandang pulubi na mukhang may problema sa pag-iisip.
‘’Umuwi ka na sa inyo! Umuwi ka na! May mangyayaring masama sayo!” mariin niyang sabi sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
“Bitawan ‘nyo siya!”
Hinatak ni Christian ang kamay ko mula sa pagkakahawak nung matandang pulubi at isinara ang bintana. Tulala ako sa mga pangyayari at nanlalamig ang mga kamay ko. Natatakot ako. Nang bigla akong niyakap ni Christian at hinimas-himas ang likod ko.
“Okay ka lang ba?”
“Oo, salamat,” sagot ko naman.
Nahimasmasan na ako nang kaunti subalit hindi pa rin maalis-alis sa aking isipan ang sinabi ng matandang babae. Pangalawang beses na itong may nagbadya sa aking mag-ingat ako. Hindi kaya....Hindi!!! Hindi yan totoo.

"Hoyyy." Nagulat ako ng bigla akong hinampas ni Christian sa braso. "Wag mo na isipin yun. Wala lang yun. Hangga't nandito ako sa tabi mo, walang mangyayaring masama sa’yo."
Nabawasan ang mga iniisip ko ng sinabi iyon ni Christian. Hayy... Kung ako nalang sana ang minahal niya, sigurado hindi ko siya ipagpapalit at mamahalin ko sya ng buong-buo. Ano ba yan natutulala na naman ako.
"Eli, papasok ka pa ba?” tanong niya.
“Oo, kailangan kong pumasok eh, nakakailang absent at late na rin ako baka matanggal ako.”
"Sigurado ka? Kakausapin ko na lang boss mo kung ayaw mong pumasok, malakas naman ako dun eh, laging epektib ang killer smile ko dun,” pabiro niyang sabi pero seryoso ang kanyang mukha, ang kanyang napakagwapong muka. Ganito ko na ba siya kamahal? Ang lakas ng tibok ng puso ko. “Sunduin kita mamaya sa office niyo ah.”
“Salamat Christian” niyakap ko siya ng sobrang higpit, ramdam ko ang tibok ng puso naming dalawa. "Salamat sa lahat. Sa tuwing kailangan ko ng makaksama lagi kang nandiyan." Wala na siyang sinabi pa at niyakap niya din ako.
Grabe, parang isang buong araw nakong nagtatrabaho pero lunch time palang. Wala akong ganang kumain pero nahihilo ako.
“Elisa, tara sabay ka na sa amin  kumain sa Max’s. Treat daw ni bossing!” yaya sa akin ng kasamahan ko sa trabaho pero tumanggi ako dahil gusto ko munang mapag-isa. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang sinabi ng matandang iyon. Nag-ayos muna ako ng gamit at nagtungo sa cr para mag-retouch. May mga tao din sa loob pero umalis na din at ako na lamang mag-isa. Matatapos na ako nang biglang namatay ang ilaw ng ilang minuto, wala akong makitang anuman, nangangapa ang mga mata ko sa dilim. Kinakabahan ako dahil takot ako sa dilim. Malamig ang pakiramdam ko. Bumukas ang ilaw at..
“AHHHHHHHHHHH!” may babaeng nakatayo sa likod ko at masama ang tingin sa akin. Palabas na sana ako ng CR ay may naramdaman akong malamig na kamay na nakahawak sa aking balikat. Nag-iba ang pakiramdam ko at biglang kinutuban. Lakas-loob akong tumalikod at laking gulat ko ng makitang ang babaeng humawak sa akin sa loob ng CR ay iisa lang. Malamig ang pawis na tumutulo sa aking muka at nanlalaki ang mata ko sa nakikita ko, napawi ang atensyon ko ng biglang nawala ang matanda ay gumagalaw ang door knob na para bang may nagpupumilit buksan ang pintuan sa labas. Kinakabahan ako, nanginginig ang kamay kong nanlalamig sa takot pilit kong nilakasan ang loob ko nang..
BLAG….
Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagkawasak ng pinto.
‘’Eli, ayos ka lang ba? Di ba sabi ko sayo sabay tayong magla-lunch pero anong nangyari sayo, narinig ko nalang yung sigaw mo dito. Nawala lang ako sa tabi mo ng ilang oras eh, nag-alala ako sayo,“ tuloy-tuloy niyang sabi at niyakap ako.
Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pangamba at takot dahil sa nangyari kanina. kilig at tuwa dahil nararamdaman ko ang presensya ni Christian sa tuwing napapahamak ako.
‘‘Miss? Miss? Excuse me, miss? Tama po ba? Isang Milk Tea with cream puff and sago?’’ Natauhan ako sa paulit-ulit na sinasabi nung kahera.
‘’Oo, miss. Pasensya na po.”
Naalala ko ang nabasa kong horoscope kanina, Taurus: Maswerte ka ngayong araw na ito dahil may pagkakataon kang ipakita ang pagmamahal mo sa lahat ng taong mahalaga sayo, ganun din sya sayo, subalit mag-ingat ka! May paparating na pangyayari na yayanig sa buong buhay mo.
Hay, eto na ba yun? Bakit parang lahat ng swerte ko noon at kabaligtaran sa nangyayari sa akin ngayon?
‘’Miss Elisa! Eto na po yung order niyo.’’
‘’Salamat’’
Pabalik na sana ako sa kotse ni Christian nang biglang may nag-abot ng sobre sa akin na matanda.
"Miss. Nahulog mo 'ata itong sobre kanina, noong bumili ka." wika niya.
"Sigurado po ba kayo?"
Wala naman akong natatandaang sobre na pagmamay-ari ko.
Bigla na lamang nawala sa paningin ko ang matanda at dali-dali ko namang tiningnan ang laman niyon. Isang lumang papel na kulay brown ang nakapaloob sa sobre. Pangkaraniwan ang papel na iyon. Dahan-dahan kong tiningnan ang nakasulat sa sa papel.
"Huh? Ano ito? Hindi ko maintindihan ang nakasulat. Mukhang pabaliktad ang pagkakasulat dito.‘‘ Itinapat ko ito sa salamin upang malaman ang nakapaloob na salita dito. Laking gulat ako ng makitang ko ang salitang "Mag-ingat ka!"
Natuon ang isip ko nang biglang naramdaman ko na tila ba may mahapdi sa may wrist ko, pagkatingin ko’y wala na ang binigay na bracelet ni Christian. Nataranta ako, nasaan na yun? Hangga’t sa nakita ko itong hawak ng lalaking dumaan sa gilid ko.
‘’Hoyyyyy! Ibalik mo sa akin yan! Manoooongggg!’’ naiiyak ako, mahalaga sa akin un. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinabol ko ang lalaking iyon.
‘’Elisaaaa!’’ hindi ko na pinansin ang sinabing iyon ni Christian dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay mabalik sa akin yung bracelet na iyon nang biglang..

"Hindi ko na kaya! Naguguluhan na ako!!! Bakit ganito?" ang dami kong tanong na hindi ko alam ang mga kasagutan. Tulad na lang ng nangyayari ngayon.
"Huuuoooo.. Hiiiiiii. Hmmmm. Bakit hindi ako makahinga? ang sikip-sikip.. Aaaaaaaahh!"
          "Eli.Eli?Eli."
          "Hayyyy. Christian" Niyakap ko siya sa sobrang takot ko. Nanaginip na naman ako. Isang madilim na lugar na punong-puno ng mga bulaklak. Madaming tao. Lahat umiiyak. Nakakapagtaka dahil nandoon din si Christian. Paglapit ko ayyyy..nakita ko ang aking sarili. Mapayapang natutulog at walang dinaramdam. Nasa loob ako ng isang ataul na kulay puti.
‘‘Waaaaaaaaaaaaaaaaa! Hindiii! Hindiiiiiiiiiiiiiiiii!!!‘‘
Gusto kong umiyak, subalit hindi ko na maramdaman ang mga tulo ng luha ko. Nakita ko si Christian. Nilapitan ko siya at niyakap subalit hindi ko siya mahawakan o maramdaman.
‘‘Christian, kayanin mo yan. Kailangan mong kayanin.“ Sabi sa kanya nung kaibigan niya.
‘‘Isang kaibigan na sobrang bait, maunawain at laging nandyan pag kailangan ko ng makakasama. Hindi ko alam kung kaibigan lamang ba ang turing ko sa kanya, o mahal pagmamahal, natatakot kasi ako. Pero bakit ganun? Kung kelan nandito na sya, natutulog ng mahimbing, doon ko lang napag isip-isip na  mahal ko na talaga s'ya. Bakit ngayon mo pa ako iniwan Eli? Bakit ngayon pa kung kelan handa na ulit ako magmahal? May mga bagay talaga na Hindi na natin kayang ibalik; ang mga taong nagpasaya at nagturo sa atin ng iba't-ibang lesson buhay. Kung nailigtas ko lamang siya noong araw na iyon, siguro masaya kami ngayon, subalit hindi na iyon mangyayari pa. Masaya ako na nakasama at nakilala ko si Eli sa kahit konting panahon lang. Hindi ko namalayan na sa bawat araw at oras na magkasama kami ay lalo lang akong nahuhulog sa kanya at ngayon nga malungkot mang isipin pero huli na ang lahat. Hindi ko manlang nasabi sa kanya na mahal ko sya.“ May mga tumutulong luha sa mga mata niya. Eto na ata ang pinakamahabang nasabi niya sa akin. Jusko po! Tulungan niyo po siyang lakasan ang loob niya!
"Eli kung nasaan ka man ngayon. MAHAL NA MAHAL KITA! MISS NA KITA.’’ Parang tumigil ang mundo ko nang sinabi niya yan. Naramdaman ko lamang ang luhang kanina paý hindi lumalabas sa mga mata ko.

“Hindi ko maintindihan kung bakit may gumawa sa kanya noon, noong araw ding mabangga siya ay nakatanggap ako ng isang sulat at nagsasabing, ‘‘Sa wakas, natupad din ang plano ko, ang mamatay si Eli. Nagtataka ka ba kung bakit may mga kababalaghang nangyari sa kanya? Dahil sa akin yun, dahil pinakulam ko siya at plinano ko din ang pagkamatay niya. Masaya na ako ngayon, wala na akong karibal. Hindi ko maisip na may gagawa kay Eli nun dahil sobrang bait niya sa mga tao sa paligid niya.”
Nagulat ako sa narinig ko, sino nga ba ang may pakana lahat ng iyon? Senyales ba ang mga bangungot? Nakita ko na lamang na binubuksan na niya ang bag ko at kinuha ang diary ko.  Iyong diary na lamang na iyon ang tanging paraan para malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya.
“Napakamanhid ko para di ko mahalatang mahal din pala niya ako! Nagsisisi ako ngayon. Sobrang pagsisisi dahil nuon pa lamang ay di ko na siya nailigtas sa bangungot na nararanasan niya. Tuloy tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga ko. Makulit talaga siya para magpaniwala sa mga horoscope o hula. Nakatuon lamang siya sa mga horoscope at nagsimula doon ang kamalasan na inakala niyang swerte. Pero kung dahil sa horoscope na iyon ay di niya maisusulat itong diary niya at hindi ko malalaman ang totoo niyang nararamdaman para sa akin. “ ika niya.
‘‘Eli, ang daya mo! Kala ko ba walang iwanan? Eli, ako nalang mag-isa ngayon. Wala nakong bestfriend. Wala nakong boss.‘‘ napabuntong hininga siya. ‘‘Pero andito pa din sa puso ko ang taong mahal ko. Ngunit kung sino man ang taong may kagagawan nito, ay paniguradong walang madudulot ang buhay sa kanyang maganda, Diyos na ang bahala sa kanya.“ Dagdag pa niya.
Eto na ang huling beses na yayakapin ko siya pero sa pagkakataong ito ay hindi ko mararamdaman ang pagdikit ng mga katawan namin. Napakalungkot mang isipin ngunit kailangang may umalis kahit ayoko man. Hindi ko siya iiwan. Dahil mananatili ako sa puso’t isipan niya. Dahan dahan na akong lumapit pa sa kanya at niyakap siya. Alam kong nararamdaman din niya ang presensya ko dahil sa lungkot na nararamdaman ng mga puso namin.
‘‘Christian, bestfriend, boss pangit, MAHAL NA MAHAL KITA!“ hinalikan ko siya sa pisngi.
Bigla ay hinawakan niya ang kanyang pisngi at nagtatakang tila mayroon naramdaman.
Parang may magnet na humihila na sa akin paitaas. Pagpapatawad ang solusyon ko para tuluyan nang manahimik. Diyos na lamang ang bahala sa may gawa nito sa akin.
At sa huling pagkakataon ay nasulyapan ko ang bestfriend ko. ‘’Wag ka mag-alala, magkikita din tayo, Paalam. ‘’

2 komento:

  1. அவசர உண்மையான கடன் விண்ணப்ப சமர்ப்பிப்பு இப்போது:
    சிட்டிலான் & வரவு)
    நீங்கள் வணிக கடனைத் தேடுகிறீர்களா? தனிநபர் கடன், வீட்டுக் கடன், கார்
    கடன், மாணவர் கடன், கடன் ஒருங்கிணைப்பு கடன், பாதுகாப்பற்ற கடன்கள், நிறுவன
    மூலதனம், முதலியன .. அல்லது கடன் வங்கியால் நிராகரிக்கப்பட்டுள்ளதா அல்லது
    எந்த காரணத்திற்காகவும் நிதி நிறுவனம். நாங்கள் தனியார் கடன் வழங்குநர்கள் மற்றும் கடன் வழங்குகிறோம்
    குறைந்த வட்டி விகிதங்கள் மற்றும் மலிவு விகிதங்களைக் கொண்ட நிறுவனங்கள் மற்றும் தனிநபர்களுக்கு
    2% வட்டி விகிதம். கடனில் ஆர்வம் இருந்தால்? இன்று எங்களை வாட்ஸ்அப் +971544105744 அல்லது
    (cityloan2020@gmail.com) மற்றும் இன்று உங்கள் கடனைப் பெறுங்கள்.

    TumugonBurahin
  2. Kagyat na% 20real% 20loan% 20pag-apply% 20submit% 20ngayon:% 20Citylaon ^ ~ ^ credit% 20)% 20Are% 20you% 20looking% 20for% 20a% 20business% 20loan% 20Personal% 20loan,% 20home% 20loan,% 20car% 20Loan, % 20Student% 20Loan,% 20Debt% 20Consolidation% 20Loan,% 20Ninsiguro ang% 20Loans,% 20Enterprise% 20Capital,% 20etc.% 20 ..% 20or% 20has% 20the% 20loan% 20been% 20rejected% 20by% 20the% 20bank% 20or% 20Pinansya% 20pagpapalit% 20para sa% 20ng% 20pangatwiran.% 20We% 20mga% 20pribado% 20pahiram% 20and% 20pagpahiram% 20Para sa% 20mga kumpanya% 20and% 20mga indibidwal% 20na may% 20mababang% 20interest% 20rates% 20 at% 20makahusay% 20rates% 20 mula sa 202% 20interest% 20rate.% 20If% 20interested% 20in% 20a% 20loan% 20Whatsapp% 20us% 20today% 20at% 20 + 971544105744% 20or% 20 (cityloan2020@gmail.com%20) at% 20get% 20your% 20loan% 20today.

    TumugonBurahin