Linggo, Agosto 12, 2012

MALING AKALA

                Mataas ang sikat ng araw at nanlalagkit na si Neil habang nakatambay sa loob ng kanilang bahay habang nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo sa kanyang kama. At dahil sa pagiging lalaki, hindi naman niya talaga binabasa ang mga balita at tinitignan lamang niya ang mga imahe ng mga artista.

          "Ang seksi naman ni Marian Rivera!" sabi pa niya habang nakangisi parang tanga. Ilang minuto pa ang nakalipas at naisipan niyang ilipat ang pahina at napunta siya sa Horoscope. Hinanap niya ang Pisces at binasa niya ito.

          'Magkakaroon ka ng madaming source of income this year! Ang mga senyales ang magdadala sa iyo sa source of income mo kaya huwag babaliwalain ang maliliit na bagay.'

          "Wow naman! Tiba-tiba pala ako! Swerte! Like!" tuwang tuwa niyang sinabi.


          Maya-maya pa, naisipan niyang dumaan sa bagong bukas na restaurant ng kaibigan niyang si MM. Sakto, baka maka-libre pa siya. Nakita niyang madaming tao sa loob kaya naman dumeretso siya sa kanyang matalik na kaibigan.
           "Hoy, MM! Libre ka naman diyan!" sabi niya sabay High-Five. Tinignan lang siya ni MM at binato niya ng Fortune Cookie si Neil sa mukha.

           "Hanggang biskwit ka lang muna, dre." sabi ni MM. 'ANG KURIPOT NAMAN NITO!' sabi ni Neil sa kanyang sarili. Ngunit kahit ganoon, kinain pa rin niya ang Fortune Cookie. Sa unang kagat pa lamang nito, nakita na niya ang papel na nasa loob nito. Binasa niya,

           'Today, you will meet wealth and luck.'

           Biglang nagtaka si Neil. As in sobrang nagtataka. Bukod sa hindi niya maintindihan ang nakasulat dahil ito ay Ingles, masyado itong matalinhaga. Sa sobrang pagtataka niya, lumabas siya ng restaurant at naglakad-lakad. Naka yuko lang siya, iniisip pa rin ang mga nabasa.

           "Joke lang 'yun." sabi ni Neil sa kanyang sarili. "Biskwit lang 'yun. Ano ba ang biskwit para magdikta ng kapalaran ko? Joke lang talaga-"

           Hindi na natapos ni Neil ang kayang sasabihin dahil may bumangga sa kanya. "ANAK NG PATATAS!" bulalas niya. Pagkatingin niya sa bumangga sa kanya ay nanlaki agad ang kanyang mga mata.
           Isa itong napakagandang babae na kamukha ng crush niyang si Marian Rivera. Maputi, katamtaman ang tangakad, mahaba ang buhok, maganda at bilog ang mga mata, at higit sa lahat, napakaganda at kuyal rosas ang kanyang mga labi. Hindi na niya napigilang mapanganga.


           "Paumanhin po!" bigkas ng dalaga. Nakakabaliw ang kanyang boses, parang Asia's Songbird ang dating!

           "H-ha?" napailing si Neil. Ngumiti ang dalaga. Halos natunaw si Neil sa kanyang kinatatayuan.

          "Sabi ko, paumanhin kasi nabangga kita." Hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay at sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat.

          Biglang nanginig ang magandang dalaga at napanginig si Neil sa takot. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Tila ‘di niya mawari kung sinasapian ang babae o pinagtitripan nanaman siya ni MM. Noong mga bata pa kas sila, palaging nabibiktima si Neil sa mga kalokohan ni MM kaya kahit sanay na siya, palaging siya ang tulo-uhog sa huli dahil sa takot.

                “Miss!”  inalog ni Neil ang dalaga. Bigla itong natauhan at idinilat ang mga mata. Tinignan ito ang mga mata ni Neil.
                “Pera. Maraming pera,” sabi ng dalaga.
                “SAAN?!”
                “Luluhuran ka ng artista. Tatlong paru-paro. Superhero! Pera! Yayaman ka. Mangyari’y magkatotoo lahat nang sinabi ko, yayaman ka. Mas yayaman ka pa kay Manny Paquiao!” sabi ng dalaga.
                Lalo pang naguluhan si Neil. “HA? Joke ka?”
                “Hindi.” Pangako ng dalaga. “Sa mismong tapat ng simbahan. Nandun ang biyaya. Huwag kang didiretso sa simbahan. Mamalasin ka.” Sabi ng dalaga. “Kung ikaw ay nagtataka, ang aking pangalan ay Juana. Juana Panga.” Dugtong pa nito. Hinawakan ulit ni Juana ang kamay ni Neil at sinabing, “Kung gusto mo, hindi ka magdadalawang isip para makuha ito.” Binitawan niya ang kamay ni Neil at umalis parang walang nangyari.
                Pagkatapos nang eksenang iyon, napaisip siya. Baka nga! Bakit ‘di ko subukan? Anung mawawala? WALA!
                “Baka matuwa pa si Inay nito! ‘Por da pers taym!” sabik na sabik niyang sinabi. Inisip niya ang magiging porma niya pag madami na siyang pera. Araw-araw siyang naka-tux na puti!  Yung terno pa para astig! Tapos bibili siya ng maraming kotse! Maari nang magbuhay doña ang kanyang nanay. Magpapatayo pa siya nang maraming swinning pool na kasya ang buong baranggay sa likod ng ipapatayo niyang sobrang laking bahay na mas malaki pa sa Malacañang.
                Tiba-tiba! Like. Share.
                Sa sobrang ngisi niya, hindi niya namalayan ang lalaking bumundol sa kanya at nahila pa niya ang shorts ni Neil hanggang tuhod.
                “AY!” sigaw niyang may halong galit, gulat, at pagkahiya at dali-dali niyang tinaas ang shorts niya.
                “Patawad na, Julian! Umuwi na tayo! Hinahanap ka na nila Mama mo! Sige na, please!” umiiyak na ang lalaki.
                “TUMAHIMIK KA, SIRA ULO” tinaboy niya ang lalaki. “Sa susunod na makikita ko ‘yang pagmumukha mo, manghihiram ka ng mukha sa aso! UMAYOS KA HA! Leader ako ng fraternity dito!” sigaw ni Neil.
                Tumingin lang ang lalaki sa kanya. Mga Segundo pa ang lumipas, may narinig siyang boses ng isa pang lalaki.
                “Aaaaaand…CUT! Magaling! Magaling! I like it sooo much!” sabi ng direktor ng bagong teleserye. Namutla si Neil na parang asin.
                “May talent ka sa pag-arte! Paigtingin ang talent! Gusto mo bang i-toka kita kay Boy Abunda?” sabi ng direktor.
                Hindi na nakapagsalita si Neil at umalis na lamang. Hindi pa niya nararanasan ang ganoong pagkahiya. Kahit siguro si MM, na abala sa restaurant niya, ay hindi magagawa iyon. Patuloy pa siyang naglakad. Halos hindi na siya makatingin sa ibang tao sa sobrang hiya. Muntikan pa niyang mamura ang artistang-
                Wait. Yung artista…lumuhod.
                “ANAK NG…!” napatigil siya sa kanyang lakad. Lumuhod sa kanya yung artista! Indianong garapon! Pinilit man niyang kumalma ay hindi niya magawa. Totoo ang sabi ni Juana Panga! At nung biskwit ni MM!
                Sa sobrang pananabik ay agad siyang naghanap ng paru-paro. Kay Aling Konyo!  May tindahan si Aling Konyo na hayup! Agad-agad siyang pumunta sa tindahan ni Aling Konyo.
                “Konyong marikit! Bigyan mo nga ako ng paru-paro mgayon din!” napakasayang sinabi ni Neil.
                “Ha? Walang paru-paro ditto! Layas! Chupi!” bulalas ni Konyo.
                Biglang nagalit si Neil, “Anung wala?! Pet shop ‘to!”
                “Inaalagaan ba ang paru-paro?! Layas!” bato ng babae.
                “Bwiset!” sa sobrang galit ni Neil ay itinumba niya ang mga binibentang kulungan sa bungad ng tindahan. “ ‘Wag kang magatatayo ng pet shop pag walang paru—“
                Hindi nanaman niya natapos ang kanyang speech dahil may nakita siyang paru-paro. Itim, puti, at asul.
                “AYOS! TENKYU LORD!” tuwang-tuwa si Neil sa labas ng tindahan ni Aling Konyo.
                “Hoy, kutong lupa!” sigaw ni Aling Konyo.
                “Idol kita, Konyong marikit!” paludag-lundag oa niyang sinabi.
                Superhero na lang, jackpot na ng bigtime! Pero hindi ito mangyayari kung hindi siya gagawa ng paraan. Lumingon-lingon siya sa paligid at may nakitang siyang batang may hawak ng pangit na teddy bear sa gilid ng kalye. Nakaisip siya ng paraan. Nilapitan niya ito at sinabing, “Bata, gusto mo ng pera?” Tumingin sa kanya ang bata at sumagot nang, “OPO!”
                Ayos.
                Ngumiti si Neil at sinabing, “Tumakbo ka sa gitna ng daan. ‘Dun sa daanan ng mga sakayan. Magpapabundol ka kunwari. Tapos pag may sumagip sayo, sasabihin mo, ‘Superhero ka!’ Ayos ba? Ang dali ‘di ba?”
                “OPO! SOBRA!” sabi pa ng batang sa sabik ay naihagis na ang pangit niyang teddy bear. Agad-agad itong tumakbo pupunta sa mga sasakyan at nagpasagip sa babaeng may hawak na maraming libro. Agad bumusina ang driver ng kotse at napatigil.
                “Superhero ka!” hindi nakalimutang sabihin ng bata. Nang lumabas ang driver ng kotse ay tumakbo na si Neil papunta sa simbahan. Ayos. Malapit lang. Wala na siyang paki alam sa gulo na kanayng ginawa sa gitna ng daan. Kayamanan, here I come!
                Naaninag na niya ang simbahan at agad siyang tumungo sa harap nito. Hindi siya magkawalay nang nakita niya ang dalawang maleta sa harap niya. Siya ay napaluhod at sinabing, “Maraming salamat, Lord!” Nilapitan niya ang maleta at binuksan. Puno nga ito nang limpak-limpak na salapi! Kumuha siya ng  konti at hinalikhalikan.
                Tsaka sakanya’y may lumapit.
                “DAPA! Kamay sa ulo! Ngayon na!” biglang sinipa ng pulis si Neil at ito ay napadapa pa. May dumagan sa kanyang isang matabang pulis at ipinosas ang kanyang mga kamay.
                “Hoy! Anung ginagawa niyo? Bakit niyo ako hinuhuli?!” sabi ni Neil.
                “Huli ka na, Boromeo Panga! Huli ka sa salang pagnanakaw at pagpapapanggap. Sa presinto ka na magpaliwanag.” Sabi ng isang pulis.
                “Hindi ako magnanakaw! Si Juana Panga ang dapat niyong huliin!” giit ni Neil.
                “AT SA TINGIN MO MANINIWALA KAMI SAYO? Gagawa ka na nga lang ng storya, kaapelyido mo pa! Tayo!” pinilit siyang tinayo ng mga pulis at nakita niyang maraming tao ang nakakakita sa kanya.
                “Hindi ako! Pramis hindi ako!” pilit na palad ni Neil. Ngunit tapos na ang lahat at nawala na ang kanyang mga pangarap. Gumuho na katulad ng Twin Towers noong 9-11.
                Pinilit pa niyang paniwalain ang mga pulis. Saka niya nalaman na niloko siya ni Juana o kung sino mang ahas na iyon. At ang masaklap ay nagpaniwala pa siya ‘dun. Kung maibabalik lang niya ang lumipas, sana ay pinagisipan niya muna ang mga nagyayari bago magpadala sa ningning ng salapi.

               

       
       

   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento