Martes, Agosto 21, 2012

Tulips


                Ikalabinwalong taon na ni Irish, ang nag-iisang anak ni Don at Donya Tarnate. Siya ay maganda, mabait at matalinong dalaga. Lahat ng esudyante sa kanilang paaralan ay kilala siya. Maraming mga bisita ang kanilang inimbita. Karamihan sa mga pumunta ay ang mga kalalakihan na nahuhumaling sa kanya dahil alam nilang ngayon ay magsisimula nang tumanggap si Irish ng mga manliligaw.
                Sa malaking hardin ng kanilang mansyon naganap ang masayang pagdiriwang. Ang lahat ng panauhin ay abala sa kanilang kani-kanyang ginagawa, ang iba sa kanila ay nagsasayawan, nagkukwentuhan, at ang iba sa kanila ay kumakain. Habang nagaganap ang masayang sayawan biglang tinawag ng kanilang katulong si Irish at may inabot na bulaklak. Natuwa si Irish noong natanggap niya ang bulaklak na ito dahil ngayon lamang niya ito nakita. Huling kita niya sa bulaklak na iyon ay noong bata pa siya. Ang bulaklak na ito ay ang Tulips.
Nagtataka siya kung kanino galling ang mga bulaklak kaya’t tinanong niya ang kanilang katulong. Ngunit, ang sabi lamang ng kanilang katulong ay natagpuan lamang niya ang mga bulaklak sa may tapat ng kanilang mansyon. Tiningnan muli ni Irish ang mga bulaklak at hinanap kung kanino galing ito. Wala itong pangalan kung kanino ito galling, pero may isang maliit na papel siyang natagpuan at ang nakalagay dito ay “Today is the day you promise me your yes.”. Nagtaka siya noong nabasa niya ang ito kung kaya’t inisip niya kung sino ang mga taong humahanga sa kanya. Pero naisip niya na lahat ng taong humahanga sa kanya ay narito sa kaarawan niya ngayon at lahat ng mga nanliligaw sa kanya ay hindi kinaugalian na magbigay ng bulaklak dahil para sa kanila ito ay makalumang paraan ng panliligaw na lamang.
                Natapos na ang pagdidiriwang, hindi pa rin naalis sa isipan ni Irish ang kanyang natanggap na sulat at bulaklak. Kinabukasan, paglabas niya sa mansyon, nakita niyang may bulaklak na namang naiwan para sa kanya. Ito sy tulad ng mga bulaklak na natanggap niya noong nakaraang gabi may nakalagay na sulat ditto, “Good Morning, my princess.”. Mayroon siya ng ibang nadama. Sa tingin niya ay pamilyar na ito ilang sandali pa, ipinalagay niya sa kanilang katulong ang mga bulaklak at dumiresto na siya sa eskwelahan. Habang bumabiyahe, siya ay nag-alaala ng nakaraan. Siya ay napangiti sa tanawin ng kanilang hardin at ang kanyang mga kalaro.
 “Ma’am nandito na po tayo.” saad ni Mang Bert.
Dali- dali siya bumaba.
                Nagtuturo ang kanyang guro sa matematika ng biglang may pumasok na delivery man, may hawak itong Tulips. Ipinaabot daw ito kay Irish. Hindi maiwasan ang hiyawan sa loob ng klase at sa tanong ng kanyang mga kamag-aaral kung kanino ito nanggaling. ‘Yun din ang tanong niya sa sarili. Noong itinanong niya sa delivery man, ang nasagot lamang nito ay “ Wala po nakalagay na pangalan. Ang alam ko lang po ay nagbayad ng malaking halaga ang taong iyon maibigay lamang ang bulaklak na ito sa oras na ito.”
                “Kailan pa po ba niya ito ipadeliver?” tanong ni Irish.
                “Noong 2006 pa po. Sige alis na po ako,” sagot nito
                Noong umalis na ang delivery man, nagpatuloy ang klase pero wala na sa klase ang isip ni Irish. Iniisip niya kung sino ang misteryong lalaki na ito. Nakaramdam din siya ng kaba nang makita niya ang  salitang nakalagay dito.
                Gabi na ng siya ay makauwi, pagpasok niya  nakita ang kanyang infinity bracelet. Sa mga oras na yon ay naluha na lamang siya dahil hindi siya pwedeng magkamali, iyon ang bracelet na na ibinigay sa kanya ni Joseph, ang lalaking una niyang inibig.
Mga bata pa lamang sila noon, magkakilala na sila. Magkaibigan ang kanilang mga magulang at magkalapit ang kanilang bahay. Itinuring nila ang isa’t isa bilang kalaro, kakwentuhan, katawanan, matalik na kaibigan at tunay na iniibig. Patunay nito, madalas na binibigyan ni Joseph si Irish ng Tulips na pinipitas niya mula sa hardin nila. Ika-12 kaarawan ni Irish ng aminin ni Joseph ang pag-ibig niya. Bagama’t iniibig din siya ni Irish, minabuti na lamang ng dalagang hintayin ang tamang panahon para sa relasyon, ang pagtuntong ni Irish sa ika-18 na gulang.
Dalawang linggo matapos ang kaarawan, ipinasya ng pamilya ni Joseph na manirahan na  sa America dahil may sakit ang kanyang lola. Nagtungo siya sa hardin kung nasaan si Irish.
“Irish,” tawag ni Joseph. Hindi pa din tumugon si Irish, patuloy lang ito sa pagluha.
                “Saglit lang kami doon. At saka sigurado na uuwi ako bago ang debut mo.”
Hindi pa rin sumasagot si Irish kaya ipinagpatuloy na lang ni Joseph ang kanyang sinasabi.
“Hindi ako papayag na ‘di makauwi sa debut mo. ‘Di ba doon mo ako sasagutin? Di ba sa gabing iyon mo ako magiging prinsipe, aking prinsesa?”
                Sa pagkarinig ni Irish ng salitang prinsesa, napangiti siya at niyakap na lang siya si Joseph.
                “Pangako mo ya ha? I’m your princess!” sabi ni Irish na humikbi pa.
                Napangiti naman si Joseph na may luha na rin sa mga mata.
                “Oo naman. Basta maipangako mo rin sa akin na ako ang una mong magiging kasintahan at iyon ay magaganap sa ika-18 na kaarawan mo, ” saad ni Joseph.
                “Hindi lang una. Ikaw din ang huli.” Sabi niya sabay higpit pa sa pagyakap kay Joseph.
                “Hehe. Suutin mo para sigurado tayo sa walang hanggan ang ipinapangako mo.”  Sabay suot ni Joseph ng infinity bracelet kay Irish.
                “Anak aalis na tayo.” Tawag ng mommy ni Joseph
                “Irish, aalis na ko. Ingat ka lagi . mahal kita,” wika ni Joseph sabay halik sa noo ni Irish. At tumakbo na ito paalis.
                Makalipas ang tatlong taon naaksidente ang eroplano na sinasakyan nina Joseph. Ito ang naging dahilan ng pagkamatay ni Joseph. Nahirapah si Irish tanggapin ito kaya pinilit niyang alalahanin ang lahat sa nakaraan niya. Ibebenta na nila ang bahay nila noon para malimutan na rin ang lahat ng alaala nilang dalawa ni Joseph.
                Hawak-hawak pa din ni  Irish ang bracelet habang patuloy ang pagluha. Ngayon pala ang “death anniversary” ni Joseph. Ang pag-iisip sa pangalan niya ang lalong pagsakit ng puso niya. Mahirap at masakit maalala ang mga bagay na pinipilit mong kalimutan, pero hindi maiiwasan na dumarating ang panagon na kailangan itong harapin.
                Kinabukasan, gumising ng maaga si Irish. Nagtungo siya sa sementeryo kung saan nakalibing si Joseph. Ngayon lamang siya nakapunta dito. Pag-upo niya, bumagsak din ang luha sa mga mata niya.
                “Salamat sa bulaklak na, mahal din kita may Prince.” Sabi niya ng may ngiti bago umalis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento