Huwebes, Agosto 2, 2012

RUBRIK SA PAGTATAYA NG PROYEKTO


Binigyan ng Tuon
5 puntos
Natatangi
3 - 4 puntos
Katamtamang Kagalingan
1 - 2 punto
Nangangailangan ng Tulong
Paksang-Diwa
Makabuluhan, naging parang bago dahil sa pamamaraan ng pagsasalaysay at estilo.
Makabuluhan, bagama’t hindi nagmistulang orihinal.
Nagging napakakaraniwan ng paksa.
Banghay
Maayos ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari.
May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may ilang bahaging naging masalimuot.
Magulo at nakalilito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Tauhan
Maingat ang paglalarawan ng katauhan. Umaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanan sa kwento.
Umaaangkop ang kilos at pananalita sa katauhang ginagampanang ngunit may pagkakataong hindi nagiging konsistent.
Hindi umaangkop sa kilos at pananalita ang mga tauhan sa katauhang ginagampanan.
Tunggalian
Napukaw ang kamalayan ng isipan at damdamin ng mga mambabasa.
Naipakita ang tunggalian sa kwento. Hindi gaanong nakaantig sa isipan at damdamin ng mga mambabasa.
Nagbibigay-daab sa mga madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili ang mga pangyayari.
Pananaw
Malinaw at mahusay na nagamit ang pananaw sa kabuuan ng kwento.
Malinaw subalit hindi nagamit nang lubusan ang pananaw sa kabuuan ng kwento.
Nagpasalin-salin ang pananaw na nagpasalimuot sa kabuuan ng kwento.
Simula at Wakas
Naging kaakit-akit ang simula ng kwento at ang wakas ay nakapagkalas sa suliranin ng kwento.
Naipahiwatig
ang suliranin sa simula ng kwento ngunit hindi naging kawili-wili and kakalasan patungong wakas.
Naging kawili-wili ang simula upang maakit ang mga mambabasa ngunit hindi nagging kawili-wili ang wakas upang maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang tema ng salaysay.

KARAGDAGANG PAMANTAYAN
·         PAGGUHIT/PAGBABASA
Binigyan ng Tuon
5 puntos
Natatangi
3 - 4 puntos
Katamtamang Kagalingan
1 - 2 punto
Nangangailangan ng Tulong
Pagiging Orihinal at Pagkamalikhain
Ang kabuuan ng proyekto ay nagpakita ng lubusang orihinalidad at pagkamalikhain.
Natapos ang proyekto subalit hindi gaanong orihinal at hindi gaanong malikhain.
Natapos ang proyekto subalit kapos ang paggamit ng pagkamalikhain at walang orihinalidad.
Pagsisikap at Pagtitiyaga
Kinakitaan ng lubusang pagsusumikap, lampas pa sa kinakailangan,  ang natapos  na proyekto.
Kinakitaan ng pagsusumikap ang natapos na proyekto subalit may ilang mga kulang na detalye.
Kinakitaan ng kaunting pagsusumikap ang natapos na proyekto.
Kasanayan sa pagbubuo
Mahusay at maganda ang nabuong proyekto.
Natapos ang proyekto subalit may mga depektong nakita.
Natapos ang proyekto subalit lubhang magulo at hindi maunawaan.
Saloobin at responsibilidad
Masigasig na gumawa upang matupad ang layunin ng pangkat.
Masigasig na gumawa subalit kinakailangan pa ng tulong buhat sa iba.
Walang sigasig sa paggawa at kailangan pang paalalahanan nang malimit.

5 komento:

  1. Pwede ko po bang malaman kung saang school po ginagamit ang mga rubrics na ito? please? Kailangan ko po kasi nito.

    TumugonBurahin
  2. St. Mary's Academy, Sta. Ana, Manila. Ginamit ko ito para sa performance task na paggawa ng maikling kwento at sa paggawa ng komik strip o kaya ay pagsasalaysay na may mga larawan.

    TumugonBurahin
  3. Hello po, analytic po kaya ang mga ito o holistic? nagcocollect po kasi ako ng list of rubrics, requirement po sa assessment of learning namin na subject. Thank you po=)

    TumugonBurahin
  4. maraming Salamat.nakatulong sakin.

    TumugonBurahin